Bangkay ng 23-anyos na lalaki, naibalik sa pamilya pero wala nang puso
- Isang bangkay ng Australianong turista mula Queensland ay naiuwi sa kanilang bansa na wala ang kanyang puso
- Si Byron Haddow, 23, natagpuang patay sa plunge pool ng kanyang villa sa Bali habang nagbabakasyon
- Isang ospital sa Baliang itinangging may kinalaman sila sa organ theft at iginiit na bahagi lamang ito ng forensic autopsy
- Ang puso ni Haddow naibalik sa Australia mahigit dalawang buwan matapos ang kanyang pagkamatay, bagay na nagdulot ng tanong sa medikal na proseso sa Bali
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Naibalik sa Australia ang bangkay ng 23-anyos na si Byron Haddow mula Queensland ngunit natuklasang wala ang kanyang puso.
Namatay siya sa plunge pool ng kanyang villa sa Bali habang nagbabakasyon.
Lumipas ang apat na linggo bago naibalik sa kanilang bansa ang kanyang katawan, at doon sa ikalawang autopsy nalaman na nawawala ang kanyang puso.
Dahil dito, humingi ng paliwanag ang mga opisyal ng Australia sa Indonesia.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ipinahayag ni I Made Darmajaya, direktor ng Prof. Ngoerah Hospital, na walang kinalaman ang ospital sa organ theft.
Aniya, ang ginawa nilang autopsy ay ayon sa utos ng pulisya at pawang para sa legal na pagsusuri lamang.
Dagdag pa niya, walang interes ang ospital na itago ang puso ni Haddow, at inabot lamang ng matagal ang proseso bago ito maipadala pabalik sa Australia para sa kinakailangang pathological examination.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng Australia’s foreign ministry na tinutulungan nila ang pamilya ni Haddow ngunit hindi na sila nagbigay ng dagdag na detalye.
Noong Agosto, mahigit dalawang buwan matapos ang insidente, tuluyang naiuwi sa Queensland ang puso ni Haddow.
Ayon sa legal representative ng pamilya na si Ni Luh Arie Ratna Sukasari, nagdulot ito ng seryosong tanong tungkol sa medical practices sa Bali.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh