45-anyos na babae, patay matapos mahulog habang nagse-selfie sa halos 300-tampakan tsimenea

45-anyos na babae, patay matapos mahulog habang nagse-selfie sa halos 300-tampakan tsimenea

  • Isang ina ng dalawang anak ang namatay matapos mahulog mula sa halos 300-foot tower sa Russia
  • Si Elizaveta Gushchina, 45, ay bumagsak matapos subukang kumuha ng selfie kasama ang kaniyang anak
  • Nagmula ang insidente matapos ang matagumpay na bungee jump ngunit hindi na siya nakasuot ng safety harness
  • Iniimbestigahan na kung ligtas at legal ang operasyon ng bungee site sa Pavlovsk

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Enrique on Pexels
Enrique on Pexels
Source: Original

Patay ang isang ina ng dalawang anak matapos mahulog mula sa halos 300-foot tower sa Russia.

Ayon sa ulat ng lokal na media, si Elizaveta Gushchina, 45, ay namatay matapos ang isang bungee jump nitong weekend sa harap ng kaniyang 22-anyos na anak na si Nikita.

Kilalang mahilig sa extreme sports si Gushchina. Tumalon siya mula sa 289-foot chimney ng isang hindi natapos na thermal power plant kasama ang kaniyang anak.

Naging maayos ang kanilang jump at nakabalik siya sa taas. Ngunit hindi na siya nakasuot ng safety harness nang tangkaing mag-selfie kasama ang anak.

Read also

Street dweller, patay matapos saksakin ng lalaking nakasagutan sa Ermita

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa REN TV, sinigurado niyang nakakabit siya sa rope pero hindi tama ang haba nito.

Nang lumapit siya sa gilid, nadulas siya sa basang kahoy, nahulog mula sa mataas na platform, at agad na namatay.

Isang araw bago ang insidente ay nagdiwang pa siya ng ika-45 kaarawan. Ang bungee jump ay regalo mula sa kaniyang anak.

Naglabas ng pahayag ang extreme sports club na kinabibilangan ni Gushchina.

Ayon sa kanila, si Liza ay isang beteranong jumper at ina ng dalawang anak. Malaking dagok umano ang pagkawala nito at nagdadalamhati ang buong grupo.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sumusunod sa batas ang bungee site sa Pavlovsk, malapit sa St. Petersburg.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

15-buwan-gulang na bata, patay matapos iwan sa loob ng mainit na kotse ng kanya mismong ina

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: