38-anyos na lalaki, namatay matapos sumailalim sa hair transplant procedure
- Isang lalaking Briton ang namatay matapos sumailalim sa hair transplant procedure sa Turkey
- Nangyari ang insidente sa Dr. Cinik Clinic sa Istanbul, bago pa man magsimula ang operasyon
- Dinala siya sa ospital ngunit pumanaw rin kalaunan; iniimbestigahan na ito ng mga awtoridad
- Kilala ang klinika sa mga kliyenteng international athletes at higit 50,000 matagumpay na transplants
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Pumanaw ang isang lalaki mula England matapos sumailalim sa hair transplant procedure sa Turkey.
Ayon sa ulat ng The Guardian at The Independent, kinilala ang biktima na si Martyn Latchman, 38, mula Milton Keynes.
Namatay siya noong huling bahagi ng Hulyo matapos magkasakit habang nasa preparatory phase ng procedure na nagkakahalaga ng £1,500 (humigit-kumulang P114,000).
Pumunta si Latchman sa Dr. Cinik Clinic sa distrito ng Besiktas sa Istanbul.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa pahayag ng klinika, bigla siyang nagkasakit sa hindi pa malinaw na dahilan habang inihahanda para sa operasyon, at nangyari ito bago pa man magsimula ang hair transplant.
Dinala siya sa ospital ngunit pumanaw rin sa parehong araw sa ikalawang procedure matapos ang umano’y matagumpay na unang operasyon.
Hindi na nagbigay ng dagdag na detalye ang klinika dahil sa patuloy na legal na proseso at bilang respeto sa pamilya.
Ayon sa lokal na midya na OdaTV, iniimbestigahan na ng Turkish health authorities ang insidente, at dinala ang katawan sa Forensic Medicine Institute para sa autopsy.
Ayon sa UK Foreign Office, tinutulungan nila ang pamilya ni Latchman at nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na awtoridad.
Batay sa kanyang LinkedIn profile, si Latchman ay assistant headteacher at pinuno ng computer science department sa Goldington Academy sa Bedford.
Nasa website ng Dr. Cinik Clinic na mayroon silang 20 taong karanasan at higit 50,000 matagumpay na transplants.
Karamihan sa kanilang kliyente ay international footballers gaya nina Ivan Rakitić, Djibril Cissé, at Rivaldo.
Ayon sa Turkish Healthcare Travel Council, higit isang milyong tao ang bumibiyahe sa Turkey kada taon para sa hair restoration treatments.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh