Groom, agaw-buhay sa hsopital matapos madisgrasya habang papunta sa kanyang kasal

Groom, agaw-buhay sa hsopital matapos madisgrasya habang papunta sa kanyang kasal

  • Isang Australian groom ang naaksidente habang papunta sa kanyang kasal
  • Bumangga at gumulong ang sinasakyang minibus ng groom sa gilid ng kalsada
  • Groom at isa pang pasahero ang nagtamo ng malubhang pinsala
  • Umabot sa pitong beses ang pag-ikot ng sasakyan bago huminto sa layong 150 metro mula sa kalsada
Artyom Kulakov on Pexels
Artyom Kulakov on Pexels
Source: Original

Isang lalaking ikakasal sana ang ngayon ay nasa kritikal na kondisyon matapos maaksidente ang sinasakyang minibus sa Mount View, Hunter Valley sa Australia noong umaga ng Hulyo 30.

Ayon sa pulisya, bumangga at gumulong ang minibus sa gilid ng kalsada.

Dalawa ang malubhang nasugatan — kabilang ang 56-anyos na groom na nagkaroon ng pinsala sa kanyang mga paa, habang ang isa pang pasahero sa edad 60 ay nagtamo ng sugat sa ulo at inabot ng 45 minuto bago mailabas sa sasakyan.

Apat pa ang nasugatan pero hindi malubha. Umikot nang pitong beses ang minibus at tumigil ito sa layong halos 150 metro mula sa kalsada.

Read also

Funeral parlor sa Maynila, ipinasara matapos madiskubre ang mga nabubulok na bangkay

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa mga pulis, maaaring nakaapekto ang masamang panahon at madulas na kalsada sa aksidente.

Isasailalim sa blood at alcohol test ang driver bilang bahagi ng imbestigasyon, at ikinatuwa ng pulisya na walang namatay sa insidente.

Ang minibus ay isang uri ng sasakyan na mas maliit kaysa sa karaniwang bus pero mas malaki naman kaysa sa van.

Madalas itong ginagamit para sa pagbiyahe ng maliit na grupo ng mga tao, tulad ng mga estudyante, empleyado, o mga turista.

Kayang magsakay ng minibus ng humigit-kumulang walo hanggang tatlumpung pasahero depende sa laki nito.

Karaniwan din itong ginagamit sa mga school service, company outings, o mga lakad ng pamilya at barkada.

Dahil sa laki at kapasidad nito, mas praktikal ito para sa maikling biyahe o kung hindi naman puno ang mga pasahero.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Read also

38-anyos na magsasaka, patay matapos saksakin ng sariling ama sa Ilocos Sur

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Bus accident sa Bohol, nagdulot ng 15 sugatan; reckless imprudence, isasampa sa driver

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: