Maduming medyas ni Michael Jackson, nabenta ng mahigit kalahating milyong piso

Maduming medyas ni Michael Jackson, nabenta ng mahigit kalahating milyong piso

  • Ang medyas ni Michael Jackson noong 1997 concert sa France ay naibenta ng mahigit ₱500,000
  • Natagpuan ito ng technician malapit sa dressing room ni Jackson matapos ang show
  • Sa kabila ng mantsa at pag-yellow ng mga bato, itinuring itong "cult item" ng fans
  • May mga naunang item ni Jackson na mas mahal pa ang benta, gaya ng glove at hat
Michael Jackson on Facebook
Michael Jackson on Facebook
Source: Facebook

Nabenta ng mahigit ₱500,000 ang isang pirasong medyas na may kumikislap na bato na isinusuot ni "King of Pop" Michael Jackson noong 1990s concert niya sa France.

Ayon sa isang auctioneer, natagpuan ito ng isang technician malapit sa kanyang dressing room pagkatapos ng concert sa Nimes noong Hulyo 1997.

Mantsado na at medyo nanilaw na ang mga rhinestone, pero itinuturing pa rin itong espesyal ng mga fans bilang bahagi ng kasaysayan ng pop music.

Ang medyas ay bahagi ng "HIStory World Tour" ni Jackson at suot niya ito habang sinasayaw ang kantang Billie Jean.

Read also

Harry Roque, pinabulaanan ang umano’y panghihimasok sa ICC kaso ni Duterte

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Una itong tinayang nagkakahalaga ng 3,000 hanggang 4,000 euros, pero umabot sa halos 7,700 euros ang napagbilhan nito.

Bukod sa medyas, may iba pang gamit si Jackson na nabenta rin ng mas mataas pa tulad ng glove na ₱20 milyon at sombrero na mahigit ₱4.5 milyon.

Kahit matagal nang pumanaw si Jackson noong 2009 dahil sa overd0se, nananatili siyang sikat at mahal ng mga fans sa buong mundo.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa istorya na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Babae, nag-"YES" sa proposal ng nobyo matapos ang 42 beses niyang pagtanggi dito sa loob ng 7 taon

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)