Doktor, akusado sa umano'y pagpaslang ng 15 niyang pasyente gamit ang lethal injections
- Isang German na doktor and akusado sa pagpaslang sa kanyang 15 na pasyente
- Ang akusado ay ang 40-anyos na palliative care specialist na si Johannes M., ayon sa German media
- Pinatay niya umano ang 12 pasyente niyang babae at 3 lalaki mula Setyembre 2021 hanggang Hulyo 2024 habang siya ay nakadestino sa Berlin
- Siya ay akusado na nagturok sa mga biktima niyang 25-anyos hanggang 94-anyos ng nakamamatay na halo ng pampakalma
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
May ilang pagkakataon pa raw na sinusunog niya ang bahay ng biktima para pagtakpan ang krimen na ginawa niya.
Ayon sa mga imbestigasyon, si Johannes ay sinasabing nagsagawa ng home visits para patayin ang kanyang mga pasyente, sinamantala ang kanilang tiwala, at nag-iniksyon ng pampatulog at muscle relaxant na nagdulot ng mabilisang pagkamatay.
Lumabas din na sa ilang kaso ay sinunog niya ang mga tirahan ng mga biktima matapos patayin ang mga ito.
Nagsimula ang imbestigasyon nang mapansin ng isang katrabaho ang kakaibang dami ng pagkamatay sa kanyang mga pasyente, na nauugnay pa sa sunog.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Una siyang inaresto noong Agosto para sa apat na kaso ng pagpatay ngunit nadagdagan ito sa 15 pagkamatay at patuloy pa ring iniimbestigahan ang 96 iba pang mga kaso, kabilang na ang misteryosong pagkamatay ng kanyang biyenan.
Ang kaso ni Johannes ay ikinumpara sa mga nakaraang kaso ng serial killers sa Germany, kabilang na ang kaso ng nurse na si Niels Hoegel na nahatulan ng habambuhay na pagkakulong matapos mapatunayang pumatay ng 85 pasyente.
Sa mga lumabas na impormasyon, si Johannes ay walang malinaw na motibo maliban sa pagpatay at sinasabing kumilos na parang may kontrol sa buhay at kamatayan ng kanyang mga biktima.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon habang inaasahang aabot sa 35 pagdinig ang kanyang kaso hanggang 2026, kung saan hinihiling ng prosekusyon na patawan siya ng habangbuhay na pagkakulong.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh