Bilanggo, nakatakas matapos magtago sa bagahe ng cellmate niyang papalaya na

Bilanggo, nakatakas matapos magtago sa bagahe ng cellmate niyang papalaya na

  • Isang bilanggo ang milagrong nakatakas mula sa isang piitan sa France
  • Ayon sa nilathala na artikulo ng PhilSTAR Life, nagtago umano ang inmate sa loob ng maleta ng kanyang cellmate na papalaya na
  • Ang 20-anyos na bilanggo ay nakatakas mula sa pihitan sa Corbas, malapit sa Lyon na nasa timog-silangang France
  • Ito ay ibinalita rin nuong Biyernes sa BFMTV at kasalukuyan nang iniimbestigahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Craig Adderley on Pexels
Craig Adderley on Pexels
Source: Original

Isang bilanggo ang milagrong nakatakas mula sa isang piitan sa France.

Ayon sa inilathalang artikulo ng PhilSTAR Life, nagtago umano ang inmate sa loob ng maleta ng kanyang cellmate na nakatakdang palayain.

Ang 20-anyos na bilanggo ay nakatakas mula sa piitan sa Corbas, malapit sa Lyon na matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng France.

Ang insidente ay naiulat rin noong Biyernes sa BFMTV at kasalukuyang iniimbestigahan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang pahayag sa AFP, ang namamahala sa pihitan ay sinabing ang nakatakas na bilanggo ay kasalukuyang nasa kulungan dahil sa ilang mga kaso.

"Sinamantala niya ang paglaya ng kanyang kapwa bilanggo upang maitago ang sarili sa bagahe nito at makalabas," ayon sa pahayag (isinalin sa wikang Filipino).

Ang nakatakas na bilanggo ay iniimbestigahan din sa isang kasong may kaugnayan sa organisadong krimen, ayon sa isang source na malapit sa insidente.

Isinasagawa na ang isang internal na imbestigasyon, at nagsimula na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang mga piskal sa Lyon, ayon sa prison service.

Basahin and artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life dito, upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwento na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: