Cargo ship na may sakay na 21 na mga Pinoy, sinalakay at pinalubog; 4 patay, 14 nawawala
- Isang cargo ship ang inatake at pinalubog ng pinaghihinalaang mga miyembro ng Houthi, ayon sa ulat
- Sa isang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life, 4 ang namatay at 14 iba pa ang nawawala na patuloy pa ring hinahanap
- Ang barko ay lumubog sa Red Sea nuong Miyerkules kung saan nasagip ng mga rescuers ang 7 crew members na buhay
- Ayon pa sa ulat, 4 mula sa 25 na katao sa Eternity C cargo ship ang namatay bago tuluyang lisanin ng iba pang crew members ang naturang barko
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Isang cargo ship ang inatake at pinalubog ng pinaghihinalaang mga miyembro ng Houthi, ayon sa ulat.
Sa isang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life, apat ang nasawi at labing-apat pa ang nawawala at patuloy na hinahanap.
Ang barko ay lumubog sa Red Sea noong Miyerkules, kung saan nasagip ng mga rescuers ang pito sa mga crew members na natagpuang buhay.
Ayon pa sa ulat, apat sa dalawampu’t limang katao sa Eternity C cargo ship ang nasawi bago tuluyang lisanin ng natitirang mga crew members ang nasabing barko.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bago pa ang paglubog ng barko, inatake na raw ito nuon pang Lunes at Martes, ayon sa source at sa security companies na kabilang sa pag-rescue sa mga biktima.
Ang 7 na nasagip ay naiulat na nagpalutang-lutang umano sa dagat sa loob ng mahigit 1 araw.
Samantala, sa isang press conference nitong Miyerkules, sinabi ni Migrant Workers Secretary, Hans Leo J. Cacdac, na nag hihintay pa rin sila sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-atake.
"Marami nang ulat sa media about doon sa nasawi. Merong reports na apat, merong reports na tatlo. We will still have to confirm, and the best source at this stage would be the seafarers themselves. Pag nakapanayam natin yung lima, pag nakausap natin sila, malalaman natin sa kanila kung ilan nga ba at anong kinaratnan, kung meron man nasawi, ano kinaratnan nung mga nasawi," ani Cacdac.
Basahin ang ulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa balitang ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh