Celebrity chef, dismayado matapos gamitin ang recipe niya sa pagpatay ng 3 tao
- Isa sa mga pinakakilalang chef sa Australia na si Nagi Maehashi ang dismayado matapos malaman na ginamit ng tinaguriang "mushroom killer" ang kanyang recipe
- Matatandaang nuong 2023 isang Australian na babae na si Erin Patterson ay hinatulang guilty sa triple-murder na kaso niya
- Pinatay niya ang tita at mga magulang ng kanyang estranged husband sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanila ng isang putahe na may halong nakakalason na kabute
- Bahagyang ginamit ni Patterson ang recipe ng kilalang chef at gumawa umano siya ng beef Wellington na naging sanhi ng pagkamatay ng 3 tao
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Isa sa mga pinakakilalang chef sa Australia na si Nagi Maehashi ang nadismaya matapos malaman na ginamit ng tinaguriang "mushroom killer" ang kanyang recipe.
Matatandaang noong 2023, isang Australian na babae na si Erin Patterson ang hinatulang guilty sa kasong triple murder.
Pinatay niya ang tita at ang mga magulang ng kanyang hiwalay na asawa sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanila ng isang ulam na may halong nakalalasong kabute.
Bahagyang ginamit ni Patterson ang recipe ng sikat na chef at nagluto umano siya ng beef Wellington na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng tatlong tao.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Maehashi ay ang sumulat ng ilang sa mga pinakabumenta na cookbooks sa bansa.
Ayon sa kilalang chef, ang kanyang recipe para sa perpektong beef Wellington ay nasangkot sa isang malungkot na pangyayari.
"It is, of course, upsetting to learn that one of my recipes—possibly the one I've spent more hours perfecting than any other—something I created to bring joy and happiness, is entangled in a tragic situation," ani Maehashi sa social media.
Basahin ang kabuuan ng istorya na ito sa article na isinulat ng PhilSTAR Life.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, sang Australian na babae ang hinatulang guilty ng isang hukuman sa 'triple murder' na kaso nito. Ayon sa artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life, pinatay ng babae ang tita at mga magulang ng kanyang mister. Dagdag pa ng ulat, naglagay ang babae ng nakakalason na kabote sa beef Wellington na tanghalian ng mga biktima. Ang suspek ay kinilala na si Erin Patterson, at nung July 2023 ay nagdaos siya ng kainan sa kanila na humantong sa pagkamatay ng 3 tao.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh