Babae, guilty sa 'triple murder' case matapos patayin ang tita at mga magulang ng kanyang mister

Babae, guilty sa 'triple murder' case matapos patayin ang tita at mga magulang ng kanyang mister

  • Isang Australian na babae ang hinatulang guilty ng isang hukuman sa 'triple murder' na kaso nito
  • Ayon sa artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life, pinatay ng babae ang tita at mga magulang ng kanyang mister
  • Dagdag pa ng ulat, naglagay ang babae ng nakakalason na kabote sa beef Wellington na tanghalian ng mga biktima
  • Ang suspek ay kinilala na si Erin Patterson, at nung July 2023 ay nagdaos siya ng kainan sa kanila na humantong sa pagkamatay ng 3 tao

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Isang Australian na babae ang hinatulang guilty ng isang hukuman kaugnay sa kaso ng 'triple murder' na kinasasangkutan niya.

Ayon sa artikulong isinulat ng PhilSTAR Life, pinaslang ng babae ang tita at mga magulang ng kanyang mister.

Ayon pa sa ulat, nilagyan ng babae ng nakalalasong kabote ang beef Wellington na inihain bilang tanghalian sa mga biktima.

Kinilala ang suspek bilang si Erin Patterson, at noong July 2023 ay nagdaos siya ng isang salu-salo sa kanilang tahanan na humantong sa pagkamatay ng tatlong tao.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Siya ay maaaring makulong ng panghabang-buhay bilang pinakamabigat na kaparusahan sa kanyang ginawa.

Guilty rin siya sa tangkang pagpatay sa pang-apat niyang bisita nuon na nakaligtas.

"I think it's very important that we remember that we've had three people that have died," ani Detective Inspector Dean Thomas, matapos ang hatol.

"I ask that we acknowledge those people and not forget them."

Upang malaman ang iba pang detalye, basahin ang isinulat na artikulo ng PhilSTAR Life tungkol sa kwento na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: