Doktor, hinatulan ng 10 taon na pagkakakulong matapos halayin ang ilan sa kanyang mga pasyente
- Isang lalaking gynecologist ang hinatulan ng 10 taon na pagkakaulong ng isang French court nitong Sabado
- Ayon sa isang abogado ng ilan sa mga biktima, 30 kababaihan ang nagsampa ng reklamo laban sa doktor
- Lahat sila ay inaakusahan ang gynecologist ng pang-aabusong sekswal habang isinasagawa niya ang kanyang mga pagsusuri sa mga biktima
- Sa artikulo ng PhilSTAR Life, ang Haute-Savoie Court sa EAstern France ay hinatulan ang nasasakdal na guilty nitong Sabado sa panghahalay sa 9 sa mga nagreklamo, ayon na din sa abogado na si Aurelie Zakar
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Apat sa mga nagreklamo ang nagsabing ipinasok ng gynecologist ang kanyang pribadong parte sa kanila, habang ang iba naman ay nagreklamo ng mga walang basehang rectal exam at "masahe sa ari" na iniharap umano ng doktor bilang bahagi ng kinakailangang medikal na proseso.
"The penetrat*on suffered during consultations was not medical in nature and was, in fact, sexualized," ani Zakar.
Dagdag pa niya, "My three clients have been recognised as victims, they have been heard and believed. They can now rebuild their lives."
Aniya pa, ang tatlo niyang kliyente ay kinilala bilang mga biktima, pinakinggan at pinaniwalaan. Ngayon ay maaari na raw nilang simulan ang pagbangon sa kanilang mga buhay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Itinanggi ng doktor, na mula sa silangang bayan ng Bonneville, ang lahat ng paratang.
Ayon sa abogado ng tatlong iba pang nagreklamo, kabilang ang dalawang babaeng menor de edad noong panahong iyon, naging mainit ang pagtatalo lalo na sa usapin ng intensyon.
Dagdag pa ni Patricia Lyonnaz, iniharap ng akusado ang mga ginawa niya na tila makatuwiran o di umano’y hindi talaga nangyari. Lahat ng biktima ay humarap at nagbigay ng kanilang testimonya sa korte.
"These are not women seeking revenge," sabi ni Lyonnaz.
Mayroon pang sampung araw ang akusado para umapela.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito, upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa balitang ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh