British singer na si Jessie J, kinailangan operahan matapos ang cancer diagnosis niya
- Si Jessie J ay muling hinangaan sa social media dahil sa kanyang health update
- Sa kabila kasi ng kanyang cancer diagnosis, nananatiling positive ang English singer
- Matapos kasi siyang ma-diagnose, agad na kinailangan operahan si Jessie sa ospital
- Aniya Jessie, "This post is some of the honest lows and highs of the last 48 hours"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Jessie J, isang kilalang English singer-songwriter, ay muling hinangaan ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay matapos siyang magbahagi ng emosyonal na health update online.
Kamakailan lang ay isiniwalat kasi ng mang-aawit na siya ay na-diagnose na may br*ast cancer.

Source: Instagram
Dahil dito, kinailangan niyang sumailalim sa isang mahalagang operasyon — isang karanasan na hindi niya ipinagkait na ibahagi sa publiko, lalo na sa kanyang mga loyal at avid supporters.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Jessie ng isang set of photos at video na kuha sa loob ng ospital, bago at pagkatapos ng operasyon. "This post is some of the honest lows and highs of the last 48 hours. I will always show the good and hard bits of any journey I go through," ani Jessie.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ipinahayag rin niya ang pasasalamat sa doktor, surgeon, nurses, at mga kaibigan at pamilya na bumisita at nag-alaga sa kanya, "Grateful to my doctor/surgeon and all the nurses who cared for me and all my family/friends who came to visit. I am home now, to rest and wait for my results."
Sa pagtatapos ng kanyang post, nag-iwan din siya ng mensahe ng pag-asa para sa lahat ng tao online: "Still hugging everyone going through something tough right now. We all got this!"
Swipe left para makita ang iba pang photos at videos:
Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.
Sa nakaraang report ng KAMI ay ibinahagi ni Joe Biden sa isang emosyonal na mensahe sa publiko ang balita tungkol sa kanyang pagkakaroon ng kanser. Nag-post siya ng litrato kasama si Jill Biden at ang kanilang pusa na si Willow, bilang pasasalamat sa mga sumuporta at nagpaabot ng pagmamahal. Ibinahagi ni Biden kung paanong ang kanser ay nakaaapekto sa lahat at nagsalita rin siya tungkol sa paghahanap ng lakas sa gitna ng mahirap na panahon.
Samantalang pumanaw na ang Hawaiian aktor na si David Hekili Kenui Bell, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang pamilya. Sa social media ibinahagi ng kanyang half-sister ang masakit na balita at nagbigay-pugay sa alaala ng aktor. Gayunpaman, hindi na niya isinapubliko ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang kapatid na ikinalungkot ng marami sa social media. Nitong taon lamang ay lumabas ang aktor sa live-action na pelikula ng Disney na Lilo & Stitch.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh