Isang pasahero, inaresto matapos subukang buksan ang pintuan ng eroplano habang ito'y nasa ere
- Isang pasahero ang inaresto sa Hong Kong matapos tangkaing buksan ang pinto ng eroplano habang nasa biyahe
- Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa isang flight mula Boston noong Disyembre 10
- Agad rumesponde ang cabin crew at ligtas na nakalapag ang eroplano
- Iba pang insidente sa himpapawid ngayong taon ang muling nagbigay-pansin sa usaping pangkaligtasan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Inaresto ng pulisya sa Hong Kong ang isang pasahero matapos ang isang insidente sa loob ng commercial plane na bumiyahe mula Boston.
Ayon sa mga ulat, sinubukan umano ng pasahero na buksan ang pinto ng eroplano habang nasa ere.
Kinilala ang pasahero bilang isang 20-anyos na Chinese passport holder na sakay ng Cathay Pacific flight CX811 noong Disyembre 10.
Hindi naman niya nagawang mabuksan ang pinto ng eroplano. Gayunman, agad itong nai-report ng mga crew sa mga awtoridad.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa isang pahayag na ipinadala sa media, sinabi ng Cathay Pacific na kontrolado ang sitwasyon.
Agad umaksyon ang cabin crew, sinuri ang pinto upang matiyak na ito ay mahigpit na nakasara, at ipinaalam ang insidente sa kinauukulang ahensya at pulisya.
Dagdag pa ng airline, isinailalim na sa imbestigasyon ang kaso at nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero at crew.
Batay sa mga ulat, ligtas na nakalapag ang eroplano sa Hong Kong bandang 4:32 ng umaga, oras doon.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
Sa ilalim ng Aviation Security Ordinance ng Hong Kong, mahigpit na ipinagbabawal ang sinadyang pakikialam o pagsira sa anumang bahagi, kagamitan, o sistema ng eroplano.
Ngayong taon, ilang insidente rin na may kinalaman sa air travel ang naitala.
Noong Setyembre, isang skydiver ang muntik nang mapahamak matapos masabit ang kanyang reserve parachute sa buntot ng eroplano sa timog ng Cairns.
Nakalaya siya matapos putulin ang mga tali at ligtas na nakalapag.
Noong Nobyembre naman, isang cargo plane sa Kentucky, Estados Unidos ang nasunog ang makina habang nagte-takeoff.
Humiwalay ang makina at bumagsak ang eroplano malapit sa paliparan, na ikinasawi ng 11 katao.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

