Panuorin: Batang lalaki sa sikat na kantang 'Baby Shark' 10 taon matapos itong sumikat

Panuorin: Batang lalaki sa sikat na kantang 'Baby Shark' 10 taon matapos itong sumikat

  • Baby Shark kid na si Park Geon Roung, 18 anyos na ngayon at nag-viral muli sa TikTok
  • Nag-recreate siya ng iconic shark pose mula sa 2016 music video
  • Samantala, ang Pinkfong ay ipinawalang-sala sa kaso ng diumano’y plagiarism matapos ang final ruling ng Supreme Court sa South Korea nitong Agosto 2025
  • Si Geon Roung ay patuloy sa entertainment career niya at dati ring miyembro ng Play With Me Club

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Baby Shark Official/@babyshark_brooklyn on TikTok
Baby Shark Official/@babyshark_brooklyn on TikTok
Source: TikTok

Halos 10 taon na mula nang unang sumikat ang Baby Shark.

Ang mga batang bida sa viral music video ay malalaki na ngayon, tulad ni Park Geon Roung na muling nagpakita sa isang TikTok video.

Gumawa siya ng I’m Just a Kid challenge kung saan inulit niya ang pose na ginawa niya noong bata pa sa Baby Shark Dance video noong 2016.

Sa clip, nakasuot siya ng blue long-sleeved shirt at light denim jeans.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pumasok siya sa frame habang inaayos ang buhok at balikat, bago itinaas ang braso para sa shark pose.

Read also

Ogie Diaz, binuking ang umano'y dahilan ng pagkawala ni Shuvee Etrata sa 'It's Showtime'

Pagkatapos, nag-transition ang video sa larawan niya noong bata pa.

Ang Baby Shark music video unang inilabas ng Pinkfong noong Nobyembre 2016.

Sa sumunod na bersyon, kasama na sina Geon Roung at New Zealand child actress Elaine Kim Johnston. Mula noon, naging global hit ang kanta.

Noong Hulyo, ipinagdiwang ni Geon Roung ang 10th anniversary ng kanta at nag-post ng throwback caption sa Instagram.

Nakipag-reunion din siya sa Baby Shark mascot nitong Setyembre para sa isang nakakaaliw na “date.”

Samantala, naharap sa kaso ang Pinkfong noong 2019 nang akusahan ng New York composer na si Johnny Only na kinopya umano ang kanyang 2011 release.

Humingi ito ng 30 million won bilang danyos. Ngunit iginiit ng kompanya na adaptasyon lamang ito ng isang lumang children’s tune.

Noong 2021, ibinasura ng korte ang kaso, at nitong Agosto 2025, kinumpirma ng South Korea Supreme Court ang ruling na walang sapat na ebidensya ng copyright infringement.

Read also

Jericho Rosales, may pasilip sa kanyang birthday celebration sa Africa

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang kantang Baby Shark ay isa sa pinakasikat sa buong mundo matapos mag-viral noong 2016 dahil sa simpleng melody at madaling sabayang sayaw. Sa YouTube, ito ang may pinakamataas na views na lampas 14 bilyon, mas marami pa kaysa sa kahit anong music video ng malalaking artista. Naging inspirasyon din ito ng iba’t ibang produkto, concert tours, at TV show na 'Baby Shark’s Big Show.' Hanggang ngayon, bahagi pa rin ito ng pop culture at ginagamit sa mga events at sports arenas.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Ashley Ortega, nagpakatotoo nang matanong tungkol sa hiwalayang Mavy-Kyline

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: