2-anyos na bata, nag-survive mag-isa sa tabi ng ina na ilang araw nang patay dahil sa junk foods
- Isang 2-anyos na bata sa China ang nakaligtas matapos ilang araw na junk food lang ang kinain nang mamatay ang kanyang ina
- Bata ay natagpuan na marumi, naka-diaper, at kumain ng snacks, jellies, kalabasa, at herbal tea mula sa kanilang kama
- Ina na si Zheng Yu, 28-anyos, ay namatay sa kanilang bahay; iniwan siyang nag-iisang kasama ng anak
- Ama ni Mianmian ang ngayon nag-aalaga sa kanya matapos mamatay ang ina at hindi pa malinaw ang sanhi ng pagkamatay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Isang 2-anyos na bata na kinilalang si Mianmian ang nakaligtas matapos ilang araw na junk food lamang ang kinain nang matagpuan siyang mag-isa sa bahay.
Natagpuan ang kanyang ina na si Zheng Yu, 28-anyos, na wala nang buhay sa kanilang tirahan sa Cangnan county, Wenzhou, Zhejiang province, China.
Ayon sa pulisya, nabuhay ang bata sa pagkain ng mga natagpuang snacks, jellies, isang kalabasa, at herbal tea na nasa kama.
Suot niya ang maruming diaper at short-sleeved shirt nang madiskubre siya, ngunit ayon sa resulta ng medical test, wala siyang malubhang pinsala.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nalaman na alerto ng kaibigan ni Zheng ang mga awtoridad matapos hindi siya makontak ng ilang araw.
Si Zheng ay isang single mom na may tatlong anak mula sa iba’t ibang relasyon; dalawa sa mga bata ay nasa kanilang mga ama, habang si Mianmian ay nanatili sa kanya.
Ama ng bata ang nagsabing nakilala niya si Zheng online at nagkaroon sila ng anak noong Pebrero 2023, ngunit naghiwalay din sila at hinarangan siya nito sa social media.
Siya ngayon ang nag-aalaga kay Mianmian.
Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagkamatay ni Zheng, ngunit naniniwala ang pamilya na ito ay dahil sa biglaang karamdaman.
Sa social media, may mga video kung saan makikita siyang tumatanggap ng injection at nagsasalita tungkol sa kanyang blood pressure at blood sugar.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh