14 patay, daan-daan lumikas matapos rumagasa ang barrier lake sa Hualien
- Labing-apat ang nasawi at labing-walo ang sugatan matapos bumigay ang matandang barrier lake sa Hualien, Taiwan habang patuloy na bumubuhos ang ulan mula sa Super Typhoon Ragasa
- Ayon sa National Fire Agency, umabot na sa 124 katao ang nawawala at posibleng nadala ng rumaragasang putik at baha na kumubkob sa buong bayan
- Isang tulay ang winasak at maraming kabahayan ang lubog sa makapal na putik at tubig, habang maraming residente ang ikinuwento ang matinding takot na kanilang naranasan
- Mahigit 7,600 katao mula sa iba’t ibang lugar sa Taiwan ang lumikas para makaiwas sa panganib habang nagsara rin ang mga eskwelahan at nakansela ang ilang biyahe ng eroplano
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
‘Parang bulkang sumabog’—ganito inilarawan ng isang residente ang bangis ng pagbaha sa Taiwan matapos bumigay ang isang barrier lake sa Hualien County nitong Martes.

Source: Original
Ayon sa mga opisyal, hindi bababa sa 14 katao ang nasawi at 18 ang sugatan, habang 124 pa ang nawawala matapos ang pagragasa ng baha at putik mula sa bumigay na barrier lake. Ang insidente ay dulot ng walang humpay na pag-ulan na dala ng Super Typhoon Ragasa.
Sa bayan ng Kuang Fu, mabilis na tumaas ang tubig na may kasamang putik. Ayon kay Hsu Cheng-hsiung, 55, isang neighborhood leader, walang kapantay ang karanasang iyon. “It was like a volcano erupting…. the muddy floodwaters came roaring straight into the first floor of my house,” pahayag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasama sa pinsala ang pagbagsak ng isang tulay at ang pagkubkob ng makapal na putik sa kabahayan. Sa salaysay ni Yen Shau, 31, tila eksena raw ito sa pelikula. “It was a disaster movie,” aniya. Dagdag pa niya, isang oras bago bumigay ang barrier lake, marami pa ang namimili sa supermarket. Pagkalipas lang ng ilang minuto, “Within minutes, the water had risen to halfway up the first floor.”
Sa mga video na inilabas ng National Fire Agency, makikitang lubog sa baha ang mga kalsada, may mga kotse na kalahati ang nakalubog, at ilang puno ang natumba.
Dahil sa bagyong Ragasa, higit 7,600 residente sa iba’t ibang panig ng Taiwan ang inilikas. Kasabay nito, nagsara rin ang mga paaralan at nakansela ang maraming flight.
Ang Super Typhoon Ragasa ay kabilang sa serye ng malalakas na bagyong tumama sa Taiwan ngayong taon. Kilala ang bansa sa madalas nitong pagtama ng tropical storms tuwing Hulyo hanggang Oktubre. Ayon sa mga eksperto, ang mga barrier lake na nabubuo mula sa mga landslide at bundok ay nagiging kritikal na panganib kapag nasira ang natural o artificial na harang nito.
Noong unang bahagi ng Hulyo, isa pang bagyo—Typhoon Danas—ang tumama sa Taiwan, kung saan dalawang tao ang nasawi at daan-daan ang nasugatan matapos ang matinding pagbuhos ng ulan.
Ayon sa ulat, nagbabala ang PAGASA na asahan ang malakas na ulan at hangin sa Northern Luzon dahil sa banta ng Super Typhoon Leon. Kasama sa inaasahang epekto ang pagbaha at landslide sa mga bulubunduking lugar. Ang bagyong ito ay bahagi ng serye ng malalakas na super typhoon na tumatama sa rehiyon ngayong taon.
Nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala sa mga kabahayan at imprastruktura ang Super Typhoon Man-yi. Ayon sa ulat, libu-libong pamilya ang kinailangang lumikas at nawalan ng kuryente sa iba’t ibang probinsya. Nagpapatuloy ang operasyon ng pamahalaan upang maghatid ng ayuda at suportang pangkaligtasan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh