Lalaking ililibing na sana, binalik sa hospital matapos ang isang hindi kapani-paniwalang pangyayari
- Isang 19-anyos na lalaki sa India na inakalang patay sa aksidente, biglang umubo sa sariling libing
- Ang pamilya at mga dumalo ay nagulat nang makita siyang gumalaw at umubo sa gitna ng seremonya
- Agad siyang dinala muli sa ospital at nananatiling kritikal ang kondisyon
- Matapos nito, ang pamilya ng binata ay nagreklamo laban sa mga doktor, ngunit iginiit ng ospital na walang idineklarang pagkamatay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Nagulat ang isang pamilya sa India matapos umubo ang kanilang mahal sa buhay sa mismong libing nito.
Ang 19-anyos na si Bhau Lachke ay idineklarang brain-dead ng mga doktor matapos masangkot sa malubhang aksidente sa kalsada.
Ayon sa pamilya, sinabi ng mga doktor na halos wala na itong tsansa para mabuhay. Dahil dito, nagdesisyon silang ihanda ang kaniyang libing.
Sa simula ng seremonya, laking gulat ng lahat nang biglang gumalaw at umubo ang binata. Pamilya, kaibigan, at mga dumalo ay nagulat at nag-iyakan sa nangyari.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Agad siyang isinugod muli sa ospital para sa karagdagang gamutan.
Sabi ng kamag-anak niyang si Gangaram Shinde, akala raw nila ay tuluyan na nilang nawala si Bhau pero itinuturing nila itong isang milagro.
Hangad nila ngayon na tuluyan pa itong gumaling.
Nananatili pa rin siyang kritikal at naka-life support.
Nagpahayag ang pamilya na nadismaya sila sa mga doktor dahil diumano’y maling impormasyon ang ibinigay sa kanila tungkol sa kondisyon ng pasyente.
Pero ayon sa ospital, hindi raw sila nagdeklara ng kamatayan. Nilinaw nila na ipinaalam nila sa pamilya na kritikal ang lagay ng binata at posibleng nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan.
Patuloy ang imbestigasyon kaugnay ng insidente at kung nagkaroon nga ng pagkukulang ang mga doktor sa pagpapaliwanag ng tunay na kalagayan ng pasyente.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh