Matandang babae, na-scam ng nagpanggap na umano'y lalaking astronaut na stranded sa outer space

Matandang babae, na-scam ng nagpanggap na umano'y lalaking astronaut na stranded sa outer space

  • Isang matandang babae sa Hokkaido, Japan ang nabiktima ng “romance scam” matapos maniwala sa pekeng astronaut online
  • Sinabi ng scammer na nasa kalawakan siya at nangangailangan ng pera para bumili ng oxygen
  • Nakuha ng manloloko ang halos 1 milyon yen o katumbas ng ₱382,764 mula sa biktima
  • Ayon sa pulisya, madalas nabibiktima ng ganitong uri ng panloloko ang matatandang nakatira mag-isa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Markus Winkler on Pexels
Markus Winkler on Pexels
Source: Original

Isang matandang babae sa Hokkaido, Japan ang naloko ng isang taong nagpanggap na astronaut matapos silang magkakilala sa social media noong Hulyo.

Ayon sa ulat, nagsimula ang panloloko nang sabihin ng lalaki na siya ay nasa isang spaceship at kinakapos ng oxygen.

Pinilit niyang magpadala ng pera ang biktima para makabili raw siya ng oxygen.

Dahil nahulog ang loob ng babae sa scammer, napadala niya ang halos 1 milyon yen o humigit-kumulang ₱382,764.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lumabas din sa imbestigasyon na nakatira mag-isa ang babae at nagkaroon siya ng damdamin sa lalaki habang tumatagal ang kanilang pag-uusap online.

Read also

Lalaki, nasawi matapos tamaan ng bucket ng backhoe na minaneho ng kanyang misis

Paalala ng pulisya, maging mapanuri kung may taong nakilala sa social media na humihingi ng pera at agad na i-report ito sa awtoridad.

Sa Japan, laganap ang ganitong modus lalo na sa mga matatanda na mas madaling malinlang.

Kabilang dito ang mga klasikong panloloko kung saan nagpapanggap ang scammer bilang kamag-anak na nangangailangan ng tulong o di kaya’y nagbibigay ng pekeng refund mula sa insurance at pensyon.

Ang insidente ay nagsisilbing babala na huwag basta-basta magtiwala sa mga nakikilala online, lalo na kung pera ang hinihingi.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Dating titser at arkitekto na ngayo'y namamalimos, umantig sa puso ng netizens

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: