32-anyos na babae, natagpuan ang ina na nawalay sa kanya ng 30 taon dahil sa isang livestream
- Isang babaeng Tsino ang muling nagkita at niyakap ang kanyang tunay na ina matapos makita ito sa isang livestream
- Nakilala ni Yan, 32, ang kanyang ina na si Xu, 52, na matagal nang naghahanap sa kanya gamit ang social media
- Kumpirmado ng DNA test na sila ay mag-ina, at nagkita sila sa himpilan ng pulisya matapos ang 30 taon
- Naluha ang mag-ina sa muling pagkikita, at nakilala rin ni Yan ang kanyang mga tunay na kapatid
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Isang babae mula Zhejiang, China na kinilalang si Yan, 32 taong gulang, ang natagpuan ang kanyang tunay na ina matapos mapansin ang kahawig niyang babae sa isang livestream sa Douyin, ang bersyon ng TikTok sa China.
Ang babae ay si Xu, 52, na kilala online bilang “Searching for my Second Daughter,” at gumagamit ng social media mula pa noong 2022 upang hanapin ang nawawalang anak at makatulong din sa iba.
Lumaki si Yan sa piling ng kanyang mga mapagmahal na ampon, ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa na matagpuan ang kanyang totoong pamilya.
Nang makita niya ang livestream, agad siyang nagpadala ng mensahe sa chat at sinabing baka siya ang nawawalang anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hinimok siya ni Xu na makipag-ugnayan sa pulisya, at dito isinagawa ang DNA testing na nagpatunay sa kanilang ugnayan.
Sa tulong ng awtoridad, naglakbay si Xu mula Jiangxi papuntang Zhejiang para personal na makapiling ang anak.
Sa unang pagkakataon matapos ang 30 taon, niyakap ng mag-ina ang isa’t isa sa himpilan ng pulisya habang umiiyak sa tuwa.
Nakilala rin ni Yan ang kanyang mga tunay na kapatid sa nasabing okasyon.
Ibinahagi ni Xu na dahil sa kahirapan, inalagaan muna ng kanyang tiyahin si Yan bago ipinasa sa isang mag-asawang walang anak.
Nang magkaanak na ang mag-asawang iyon, iniwan nila si Yan sa isang opisina ng gobyerno kung saan siya kalaunan ay na-ampon ng ibang pamilya na nakatira malapit lang.
Ayon kay Xu, natupad na sa wakas ang matagal niyang pinapangarap na muling makita ang kanyang anak.
Hanggang ngayon, hindi pa malinaw kung balak ni Yan na manirahan kasama ang kanyang tunay na pamilya.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh