Babaeng convicted, gumawa ng wais na paraan upang makaiwas sa pagkakakulong sa loob ng 4 na taon

Babaeng convicted, gumawa ng wais na paraan upang makaiwas sa pagkakakulong sa loob ng 4 na taon

  • Isang babaeng Tsino na hinatulang maysala sa kasong panloloko ay nakaiwas sa limang taong kulong matapos mabuntis nang tatlong beses sa loob ng apat na taon
  • Sa batas ng China, puwedeng hindi ikulong ang buntis o mga nagpapasuso ng sanggol, pero dapat ay nasa mahigpit na pagbabantay
  • Nadiskubre ng mga awtoridad na ibinigay niya ang pangatlong anak sa kanyang hipag
  • Dahil dito, ibinalik siya sa detention center para tapusin ang natitirang sentensya
KATRIN BOLOVTSOVA on Pexels
KATRIN BOLOVTSOVA on Pexels
Source: Original

Isang babaeng Tsino na tinawag sa alias na Chen Hong ang nakaiwas sa kanyang limang taong sentensya matapos siyang mabuntis ng tatlong beses sa loob lamang ng apat na taon.

Noong Disyembre 2020, nahatulan siya ng kasong fraud sa Shanxi province, ngunit hindi agad nakulong dahil sa kanyang mga pagbubuntis.

Ayon sa batas sa China, ang mga buntis, mga ina na nagpapasuso, o mga may seryosong sakit ay maaaring pansamantalang hindi ikulong basta’t may pahintulot ng korte.

Read also

Lolang biktima ng hit-and-run sa Marikina, sugatan

Kailangan din nilang magpasa ng medical report tuwing tatlong buwan at manatili sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng community correctional institutions.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Noong Mayo, natuklasan sa isang inspeksyon na ipinagkaloob ni Chen ang kanyang ikatlong anak sa kanyang hipag.

Umamin din siya na hiwalay na siya sa kanyang asawa na siyang nag-aalaga sa una nilang dalawang anak.

Naniniwala ang lokal na piskalya na sinadya ni Chen ang sunod-sunod na pagbubuntis para makaiwas sa kulungan.

Dahil dito, ibinalik siya sa detention center kung saan tatapusin niya ang natitirang bahagi ng kanyang sentensya.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Magtiyuhin sa Negros Oriental, nagtagaan; parehas patay

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: