20 patay kabilang ang 5 mamamahayag matapos salakayin ng Israeli ang isang hospital sa Gaza

20 patay kabilang ang 5 mamamahayag matapos salakayin ng Israeli ang isang hospital sa Gaza

  • Limang mamamahayag ang kabilang sa hindi bababa sa 20 namatay matapos tamaan ng Israeli strike ang Nasser Hospital sa Khan Yunis, Gaza
  • Naglabas ng pahayag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na nagsisisi sa nangyaring “trahedya”
  • Ilang media groups tulad ng Reuters, Al Jazeera, at Associated Press ang nagluksa sa pagkamatay ng kanilang mga kasamahan
  • Patuloy ang imbestigasyon ng militar ng Israel, habang nananawagan ang iba’t ibang grupo ng agarang paliwanag

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

GMA News on Facebook courtesy of REUTERS
GMA News on Facebook courtesy of REUTERS
Source: Facebook

Limang mamamahayag ang kabilang sa hindi bababa sa 20 kataong namatay matapos tamaan ng air strike ang Nasser Hospital sa Khan Yunis, Gaza.

Ayon sa Gaza civil defense, isang drone ang unang tumama sa gusali ng ospital, na sinundan ng mas malakas na pagsabog habang inaalis ang mga sugatan.

Isa ang ospital na ito sa kakaunti na lang na gumagana sa rehiyon.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga pangunahing media organizations.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa Reuters, ang kanilang video journalist na si Hussam al-Masri ay namatay habang nagko-cover ng live feed.

Read also

Mayor Vico nagsalita sa isyu ng paid interviews: “Kailangan aminin natin ’yong problema”

Kasama ring nasawi ang photojournalist ng Al Jazeera na si Mohammad Salama, pati na rin ang visual journalist ng Associated Press na si Mariam Dagga.

Pinangalanan din ng Palestinian Journalists Syndicate ang iba pang biktimang sina Moaz Abu Taha at Ahmad Abu Aziz.

Sa pahayag ng Israeli military, inatasan ang agarang imbestigasyon sa insidente at sinabing hindi nila intensyon na targetin ang mga mamamahayag.

Gayunpaman, nanindigan ang Al Jazeera at iba pang media na malinaw na pinapatay ang mga journalist bilang paraan ng pananahimik sa kanila.

Samantala, nagpahayag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na nagsisisi sa “malungkot na pangyayari” at iginiit na pinahahalagahan nila ang trabaho ng mga mamamahayag at mga sibilyan.

Hanggang ngayon, nananatiling isa ang Gaza sa pinaka-mapanganib na lugar para sa mga journalist, kung saan halos 200 na ang namatay mula nang magsimula ang digmaan.

Panuorin ang bidyong ito (BABALA):

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: