52-anyos na babae, arestado dahil sa umano'y pagpatay sa sariling ina at kapatid
- Isang babae sa Hong Kong ang inaresto matapos umano niyang patayin ang kanyang 85-anyos na ina at kapatid na may Down syndrome
- Natagpuan ang mga biktima sa loob ng kanilang apartment matapos puwersahang buksan ng mga bumbero ang pinto
- Ang suspek ay may history ng mental illness at sinubukang tumalon mula sa bubong bago siya nasagip at inaresto
- Patuloy ang imbestigasyon at tinitingnan ang posibleng motibo, habang tumutulong ang mga social worker sa kaso
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Isang babae sa Hong Kong ang inaresto matapos umanong patayin ang kanyang 85-anyos na ina at kapatid na may Down syndrome.
Ayon sa ulat, nagsimula ang insidente nang magtungo ang isang social welfare worker sa bahay ng 48-anyos na lalaki na tatlong linggo nang nawawala sa care home.
Nang walang sumagot sa kanyang katok, agad niya itong ini-report sa pulisya.
Dumating ang mga bumbero at pinilit buksan ang pinto ng apartment sa Hang Moon Building sa Cheung Sha Wan Road.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Doon, natagpuan nila ang mag-ina na wala nang buhay. Base sa paunang obserbasyon, may pulang marka sa leeg ng anak na indikasyong sinakal siya.
Ang ina naman ay may sugat sa leeg at pinaniniwalaang tinaga gamit ang gunting.
Ang 52-anyos na suspek ay nakita sa gilid ng bubong ng gusali. Sinubukan umano nitong tumalon ngunit nasagip at agad na inaresto.
Ayon sa mga awtoridad, may kasaysayan ng mental illness ang babae at kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang plano na magpakamatay.
Pinaniniwalaang dala ng matinding mental stress ang kanyang ginawa bago niya tinangkang magpakamatay.
Natagpuan din ng pulisya ang isang pares ng gunting sa canopy sa likod ng gusali na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Hindi pa malinaw ang motibo, ngunit iniulat na pareho silang may kapatid na may problema sa kalusugan ng isip.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang iba pang kaanak, at tatlong social workers ang nakatalaga upang tumulong sa kaso.
Ayon sa ulat, patuloy na kinakaharap ng Hong Kong ang serye ng mga kaso ng pagpatay o murder-suicide na may kinalaman sa mga tagapag-alaga at pamilya ng mga nangangailangan ng pangmatagalang pag-aalaga.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh