Sikat na Palestenian soccer player, patay habang nakapila para sa ayudang pagkain

Sikat na Palestenian soccer player, patay habang nakapila para sa ayudang pagkain

  • Si Suleiman al-Obeid, tinaguriang “Pele” ng Palestinian soccer, ay napatay matapos tamaan ng Israeli tank shell habang kumukuha ng pagkain sa southern Gaza
  • Naiwan sa pamilya ang kakaunting alaala, kabilang ang suot niyang number 10 shorts para sa club na Al-Shati
  • Si Mohamed Salah ay umalma sa tribute ng UEFA na hindi binanggit ang dahilan ng pagkamatay ni Obeid
  • Ayon sa Palestinian Football Association, napatay si Obeid sa atake ng Israeli military habang naghihintay ng ayuda

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Reuters on Facebook
Reuters on Facebook
Source: Facebook

Si Suleiman al-Obeid, kilala bilang “Pele” ng Palestinian soccer dahil sa husay at galing sa pag-goal, ay umasa sanang makakapaglaro hanggang edad 50.

Ngunit sampung taon bago ito, nasawi siya matapos tamaan ng Israeli tank shell habang nakapila para kumuha ng pagkain sa southern Gaza.

Naiwan sa kanyang biyuda, si Doaa al-Obeid, ang asul at puting number 10 shorts na suot ng asawa sa kanyang club na Al-Shati.

Ito na lamang ang pinakamahalagang alaala na meron sila, lalo’t nasira rin ang kanilang bahay sa isang pambobomba at ngayon ay nakatira sa tent sa gitna ng guho sa Gaza City.

Read also

Grade 11 na estudyante, inaresto matapos umanong barilin ang kanyang teacher

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Obeid, na minsan nang naging manlalaro ng Palestinian national team, ay patuloy pa ring naglalaro para sa kanyang club nang magsimula ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 2023.

Umani siya ng pansin nitong linggo matapos punahin ni Liverpool star Mohamed Salah ang tribute ng UEFA na hindi binanggit ang totoong dahilan ng kanyang pagkamatay. Sa social media post ni Salah, tinanong niya kung paano, saan, at bakit namatay si Obeid.

Ayon sa Palestinian Football Association, pinatay si Obeid ng Israeli military habang naghihintay ng ayuda.

Iginiit ng kanyang pamilya na isang tank shell ang pumatay sa kanya. Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng Israeli military na wala silang tala tungkol sa insidente at humihingi sila ng dagdag na impormasyon.

Nagsimula ang digmaan nang umatake ang Hamas sa mga bayan at nayon ng Israel, na ikinasawi ng mahigit 1,200 katao.

Tumugon ang Israel sa pamamagitan ng malawakang pambobomba at pag-atake sa Gaza Strip na tinitirhan ng higit 2 milyon, kung saan halos 61,000 Palestinians na ang namatay, karamihan dahil sa airstrikes, artillery, at putok ng baril, habang dumarami rin ang namamatay sa gutom.

Read also

Reaksiyon ni Ruffa Gutierrez matapos siyang tawaging “Ruffa Mae” sa event, kinaaliwan

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Sikat na lalaking New York-based TikToker, pumanaw sa edad na 20

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: