2 boksingero, namatay matapos magka-brain injury sa parehas na boxing event
- Dalawang boksingero sa Japan ang nasawi matapos magtamo ng matinding pinsala sa utak mula sa magkahiwalay na laban sa iisang event sa Tokyo
- Si Shigetoshi Kotari, 28, ay nawalan ng malay matapos ang laban na nagtapos sa draw at pumanaw noong Agosto 8
- Si Hiromasa Urakawa, 28, ay tinalo sa ikawalong round at namatay rin makalipas ang ilang araw dahil sa tinamong pinsala
- Ayon sa Japan Boxing Commission, ito marahil ang unang pagkakataon na dalawang boksingero ay sumailalim sa skull-opening surgery mula sa iisang event
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Instagram
Dalawang boksingero sa Japan ang pumanaw matapos magtamo ng malalang pinsala sa utak sa magkahiwalay na laban sa iisang boxing event sa Korakuen Hall, Tokyo noong Agosto 2.
Kinilala ang mga biktima na sina Shigetoshi Kotari at Hiromasa Urakawa, kapwa 28 taong gulang.
Si Kotari ay nakipaglaban ng 12 rounds laban sa kapwa Hapon na si Yamato Hata, na nagtapos sa tabla.
Pagkatapos ng laban, nawalan siya ng malay at isinugod sa ospital kung saan siya sumailalim sa operasyon sa utak dahil sa acute subdural haematoma.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng gamutan, pumanaw siya noong Agosto 8 ng 10:59 ng gabi, ayon sa kanyang M.T boxing gym.
Samantala, si Urakawa ay nakalaban si Yoji Saito at natigil ang laban sa ikawalong at huling round.
Isinugod din siya sa ospital at inoperahan sa utak, ngunit ayon sa World Boxing Organization (WBO), siya ay binawian ng buhay noong gabi ng Sabado.
Ayon sa WBO, ito ay isang malungkot na pangyayari dahil kasunod lamang ito ng pagkamatay ni Kotari mula sa parehong event.
Nagpaabot sila ng pakikiramay sa pamilya, kaibigan, at buong boxing community sa Japan.
Ipinahayag naman ni Tsuyoshi Yasukochi, secretary-general ng Japan Boxing Commission, na posibleng ito ang unang pagkakataon sa Japan na dalawang boksingero ang parehong sumailalim sa skull-opening surgery dahil sa pinsalang nakuha sa iisang boxing event.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh