5 katao patay mula sa walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa palengke; suspek, patay rin
- Isang lalaki ang walang habas na namaril sa isang palengke sa Thailand
- Nangyari ang malagim na insidente sa Or Tor Kor Market sa Chatuchak District ng Bangkok
- Nakilala ang suspek bilang isang 61-anyos na lalaki na dating security guard
- Ayon sa ulat ng NNT- National News Bureau of Thailand sa Facebook, gumamit umano ng "handgun" ang suspek
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Youtube
Isang lalaki ang walang habas na namaril sa isang palengke sa Thailand.
Naganap ang karumal-dumal na insidente sa Or Tor Kor Market sa Chatuchak District ng Bangkok.
Kinilala ang suspek bilang isang 61-anyos na dating security guard.
Batay sa ulat ng NNT - National News Bureau of Thailand sa Facebook, gumamit umano ng "handgun" ang suspek.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Namaril at nakapatay ang armadong suspek ng 4 na security guard at isang vendor. Dalawang iba pa ang sugatan mula sa pamamaril.
Matapos gawin ang krimen ay kinuha umano ng suspek ang sarili niyang buhay at binaril ang sarili.
Ayon sa ulat, sinabi ng mga awtoridad na ang motibo sa krimen ay personal na paghihiganti.
Naniniwala umano ang suspek na isa sa mga security guard ang bumutas sa gulong ng kotse ng kanyang misis, ilang taon na ang nakakalipas.
Dagdag pa ng mga awtoridad na personal na isyu lamang ang sanhi ng krimen at hindi politikal o konektado sa isyu sa internasyonal na seguridad.
Matatandaang nagkaroon ng mass shooting noong 2020 sa Nakhon Ratchasima kung saan 29 ang namatay, at ang karumal-dumal na pag-atake sa isang daycare noong 2022 na ikinasawi ng 36 katao.
Panuorin ang ulat ni Pia Arcangel sa 'SAKSI' sa bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh