60-anyos na lalaki, inaresto matapos hayaan ang bangkay ng ina sa bahay nila sa loob ng 10 taon
- Isang lalaki sa Japan ang inaresto matapos itago ang bangkay ng kanyang ina sa loob ng 10 taon sa kanilang apartment
- Ayon sa suspek, hindi niya inireport ang pagkamatay ng ina dahil sa social phobia
- Natuklasan ng pulisya ang kalansay matapos maghinala ang isang kawani ng gobyerno
- Sinampahan siya ng kasong abandonment of a corpse sa ilalim ng batas ng Japan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Inaresto ang isang lalaki sa Japan matapos matuklasang itinago niya ang bangkay ng kanyang ina sa loob ng 10 taon sa kanilang apartment.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post, sinabi ni Takehisa Miyawaki, 60-anyos, sa mga pulis na hindi niya nai-report ang pagkamatay ng kanyang 90-anyos na ina dahil sa kanyang social phobia.
Hindi rin siya tumawag sa ospital at piniling hayaang manatili ang katawan ng kanyang ina sa ganoong kalagayan.
“About 10 years ago, my mother was found not breathing in the toilet. Her body had turned cold. She did not respond to any prompting,” ani Miyawaki. “As an ordinary person, I knew that my mother had passed away."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Walang trabaho at permanenteng tirahan si Miyawaki, at ngayon ay nahaharap siya sa kasong abandonment of a corpse.
Sa ilalim ng Article 190A ng Penal Code ng Japan, sinumang mapatunayang "damages, abandons, or unlawfully possesses a corpse, the ashes or hair of a dead person, or an object placed in a coffin" ay maaaring makulong nang hanggang tatlong taon.
Nag-ugat ang imbestigasyon nang mapansin ng isang kawani ng gobyerno sa Kobe City si Miyawaki na paika-ikang naglalakad noong Mayo 22.
Nang hingan siya ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang ina, tumanggi itong magsalita.
Dahil dito, tinawagan ng opisyal ang pulisya na agad namang nag-verify sa nakarehistrong tirahan ng ina ni Miyawaki.
Pagdating sa apartment, nakita ng mga awtoridad ang maraming basurang nakatambak at kalaunan ay natagpuan ang isang kalansay sa loob ng banyo.
Noong unang bahagi ng buwang ito, kinumpirma ng DNA test na ang kalansay ay kay Miyawaki's mother.
Wala namang natagpuang ebidensiya na siya ay pinatay.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also
Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan sa loob ng bahay na balak sanang bilhin ng isang homebuyer
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh