Hindi bababa sa 5 patay sa nasunog na ferry na mahigit 200 sakay, mga pasahero nagtalunan sa dagat

Hindi bababa sa 5 patay sa nasunog na ferry na mahigit 200 sakay, mga pasahero nagtalunan sa dagat

  • “Five people were reported dead, two of whom have yet to be identified,” ayon sa Bakamla tungkol sa ferry fire sa Indonesia
  • Umabot sa 284 katao ang nailigtas, karamihan ay tumalon sa dagat na may life jackets
  • Tumulong ang mga lokal na mangingisda sa paglikas ng mga pasahero at dinala ang mga nasugatan sa health facility
  • “What is important is that we are prioritizing rescue before nightfall,” ani ng opisyal ng search and rescue agency

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Abdul Rahman Agu on Facebook
Abdul Rahman Agu on Facebook
Source: Facebook

Nasawi ang hindi bababa sa limang katao matapos masunog ang isang ferry sa Indonesia noong Hulyo 20, ayon sa coast guard ng bansa.

Sinabi ng Indonesia’s Maritime Security Agency o Bakamla, “Five people were reported dead, two of whom have yet to be identified. Meanwhile, 284 people have been evacuated safely.”

Ayon sa Bakamla, nagsimula ang sunog sa bandang likuran ng KM Barcelona 5 habang naglalayag papuntang Manado, North Sulawesi.

Maraming pasahero ang tumalon sa dagat na may suot na life jackets para makaligtas.

Read also

Carla Abellana, diretsahang sinagot ang "may career pa pala ito" na comment ng netizen

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinulungan ng mga mangingisda ang mga pasahero at dinala ang mga nasugatan sa pinakamalapit na health facility.

Ayon kay George Leo Mercy Randang ng Manado search and rescue agency, “What is important is that we are prioritizing rescue before nightfall.”

Wala pang dahilan kung bakit nagkaroon ng sunog pero sinabi ng mga otoridad na madalas nangyayari ang ganitong aksidente sa Indonesia dahil sa “lax safety standards” at masamang panahon.

Basahin ang artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Asawa ni Andy Byron, dinelete ang social media kasunod ng Coldplay concert viral video

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: