Hindi bababa sa 69 patay at 11 iba pa ang nawawala mula sa nasunog na hypermarket
- Hindi bababa sa 69 katao ang nasawi habang 11 pa ang nawawala matapos masunog ang isang hypermarket sa al-Kut City, Iraq
- Ayon sa mga ulat, nagsimula ang sunog sa palapag kung saan ibinebenta ang mga pabango at cosmetics
- Nag-utos si Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani ng agarang imbestigasyon sa insidente at nagdeklara ng pambansang pagluluksa
- Ang may-ari ng gusali at ng mall ay kinasuhan dahil sa malagim na insidente
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Original
Isang malawakang sunog ang naganap sa isang hypermarket sa al-Kut City sa katimugang bahagi ng Iraq na nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 69 katao at pagkawala ng 11 iba pa, ayon sa mga awtoridad sa kalusugan ng lungsod at dalawang police sources na nakausap ng Reuters nitong Huwebes.
Makikita sa footage ng Reuters ang itim na panlabas na bahagi ng “Corniche Hypermarket” building matapos ang overnight fire habang patuloy pa ring nagsasagawa ng rescue operations ang mga awtoridad.
Sa mga video na beripikado ng Reuters, makikitang binubugahan ng tubig ng mga bombero ang nasusunog na gusali habang may mga taong umaakyat sa bubong na tinutulungan ng rescue teams.
Ayon kay Ali al-Mayahi, isang opisyal ng lungsod, “We have more bodies that have not been recovered, still under fire debris.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi pa tiyak ang sanhi ng sunog ngunit base sa paunang ulat ng pulisya, nagsimula ang apoy sa palapag kung saan ibinebenta ang mga pabango at cosmetics.
Ayon kay Ali Al-Zargani na nakatira malapit sa gusali, “Raging fires trapped many people inside the mall, and everyone was desperately trying to find a way out.”
Dagdag niya, “I saw the charred bodies of children and women lying on the ground—it was a horrifying scene.”
Habang ilang bangkay ay inihahanda na para sa libing, higit sa 15 na bangkay ang nangangailangan ng DNA testing dahil sa labis na pagkasunog, ayon sa isang saksi ng Reuters.
Habang nagpapatuloy ang paghahanap sa mga labi, nag-utos si Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani ng agarang imbestigasyon upang “uncover any shortcomings,” at nagdeklara rin ng national mourning.
Ayon pa sa gobernador ng lalawigan, ilalabas ang resulta ng imbestigasyon sa loob ng 48 oras. Dagdag pa niya, “We have filed lawsuits against the owner of the building and the mall.”
Basahin ang ulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa balitang ito.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh