8-taong-gulang na bata, natutong kumahol dahil sa kakulangan ng interaksyon sa tao
- Isang 8-anyos na batang lalaki mula sa Uttaradit Province, Thailand ang kumakawag gaya ng aso matapos palakihing walang ibang kalaro kundi mga alagang hayop
- Ayon sa ulat ng lokal na media, ang bata ay hindi naipasok sa paaralan at tanging ang ina lang niya ang kumukuha ng 400 baht na ayuda mula sa gobyerno, sa kabila ng kawalan ng aktwal na edukasyon
- Sa imbestigasyon, nadiskubreng lulong umano sa droga ang ina ng bata at ang kapatid nito, at sila ay naninirahan sa isang "red zone" o lugar na kilalang sentro ng bentahan at paggamit ng bawal na gamot
- Sa kasalukuyan, ang bata ay nasa pangangalaga na ng Uttaradit Children's Home at tinutulungan ng Foundation for Children and Women upang siya ay makapasok na sa eskwela at mabigyan ng bagong simula
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakakadurog ng pusong eksena ang bumungad sa mga awtoridad sa Thailand noong Hunyo 30 matapos matagpuan ang isang 8-taong-gulang na bata na tila nakabuo ng kakaibang paraan ng komunikasyon—hindi sa pamamagitan ng salita, kundi sa pagkakahol gaya ng isang aso.

Source: Original
Ayon sa ulat ng Khaosod English, isang balitang pahayagan sa Bangkok, ang bata ay hindi naipasok sa kindergarten at lumaki sa isang “red zone” sa Lap Lae District ng Uttaradit Province. Ang nasabing lugar ay kilala sa talamak na paggamit ng ilegal na droga. Sa halip na makisalamuha sa ibang bata, aso umano ang naging kalaro at kasama ng bata, dahilan upang matutunan nitong tularan ang kilos at tunog ng mga alaga.
Base sa imbestigasyon, ang ina ng bata ay madalas na humihingi ng pagkain at pera sa templo, lalo na kapag hindi siya tinutulungan ng mga kapitbahay. Dahil dito, unti-unting iniwasan ng mga residente ang mag-ina, at pinagbawalan pa ang kanilang mga anak na makipaglaro sa bata. Habang hindi siya nakakaenrol sa paaralan, ang kanyang ina ay tumatanggap pa rin ng 400 baht mula sa gobyerno, na nakalaan sana para sa edukasyon ng bata.
Nang magsagawa ng drug testing ang mga pulis, positibo sa droga ang ina at ang kapatid nito. Sa kasalukuyan, ang bata ay nasa maayos na kalagayan na at nasa pangangalaga ng Uttaradit Children's Home. Nakikipag-ugnayan na rin ang Foundation for Children and Women upang tiyakin na makakapag-aral at makakabangon ang bata mula sa karanasang ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang pagiging magulang ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng tahanan at pagkain. Isa sa mga pangunahing tungkulin ng isang magulang ay ang pagbibigay ng tamang edukasyon, pagmamahal, at tamang gabay sa pag-unlad ng kanilang anak. Sa mga panahong makabago, mas mahalaga rin ang maagang pag-detect sa mga sintomas ng kapabayaan at mental health issues, upang agad itong matugunan ng mga social workers at kinauukulang ahensya.
Isa pang kwento ng koneksyon sa pagitan ng tao at hayop ang tumagos sa damdamin ng marami. Isang alagang aso ang hindi umaalis sa tabi ng kabaong ng kanyang yumaong amo, isang 29-anyos breadwinner na biktima sa NAIA 1. Sa panahon ng pagluluksa, tila ang aso lamang ang pinanghahawakan ng pamilya upang maibsan ang kanilang sakit.
Nakunan din ng atensyon ang aso ng OPM icon na si Ka Freddie Aguilar matapos mapansing tila naghihintay pa rin ito sa pagbabalik ng kanyang amo. Ang tapat na alaga ay patunay ng malalim na koneksyon sa pagitan ng hayop at tao—isang koneksyon na tila naging sandalan ng batang Thai sa gitna ng kanyang pagkakahiwalay sa lipunan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh