Lone survivor sa Air India crash, inalala ang nangyari at nakita sa eroplano

Lone survivor sa Air India crash, inalala ang nangyari at nakita sa eroplano

  • Si Vishwash Ramesh ang nag-iisang survivor sa trahedya ng Air India plane crash
  • Matatandaang mahigit 240 na katao ang nasawi nang bumagsak ang Boeing Dreamliner
  • Habang siya ay nagpapagaling ay na-interview na si Ramesh tungkol sa trahedya
  • Ani Ramesh sa lokal na media, "After take off, suddenly... it felt like something got stuck"

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Vishwash Kumar Ramesh, ang 40-taong-gulang na nag-iisang nakaligtas sa trahedya ng Air India plane crash, ay nagsalita na kung paano siya nakalabas nang buhay mula sa pagsabog.

Nauna nang naiulat ng Reuters na mahigit 240 na katao ang nasawi nang bumagsak ang eroplano ng Air India na patungong London ilang sandali matapos itong lumipad sa Ahmedabad.

Lone survivor sa Air India crash, inalala ang nangyari at nakita sa eroplano
Photos: Sam Panthaky on AFP via @abscbnnews | Narendra Modi on YouTube
Source: Youtube

Ang Boeing 787-8 Dreamliner, na patungo sana ng Gatwick Airport, ay mayroon lamang isang nakaligtas na pasahero, si Ramesh, na isang British citizen mula sa British city na Leicester.

Ayon sa opisyal na ulat ng ABS-CBN, si Ramesh ay nakaupo sa Seat 11A ng nasabing eroplano.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang nakaharap sa lokal na media, inalala ni Ramesh ang nangyari bago bumagsak ang eroplano, "Within a minute after take off, suddenly... it felt like something got stuck... I realized something had happened, and then suddenly the plane's green and white lights turned on."

Bukod pa rito ay inalala rin ni Ramesh na tila direkta silang patungo sa isang building bago ang pagsabog, "After that, the plane seemed to speed up, heading straight towards what turned out to be a hostel of a hospital. Everything was visible in front of my eyes when the crash happened."

Ayon pa nga kay Ramesh, "Initially, I too thought that I was about to die, but then I opened my eyes and realised that I was still alive. I saw the air hostess and aunties and uncles all in front of me."

Kalaunan ay nabasag ang pintuan sa tabi niya, na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makalabas, "I unfastened my seatbelt and tried to escape, and I did," sabi niya. "I think the side I was on was not facing the hostel. Where I landed was closer to the ground and there was space too – and when my door broke - I saw that there was space, and I thought I could try to slip out."

Samantalang noong June 12 naman ay nahanap na ang black box sa Air India crash site, ayon sa opisyal na report ng BBC News habang patuloy na nag-iintay ang mga pamilya ng mga biktima.

Watch the video below:

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Ayon sa ulat ng KAMI noon, isang 11-taong-gulang na batang babae mula sa China ang umakit sa puso at atensyon ng mga netizen. Sa ilang media outlet, naging viral ang video ng 11-taong-gulang na bata na nagliligtas sa kanyang nakababatang kapatid na babae. Sa video, makikita si Li Xinrui na naglalakad sa loob ng tindahan nang makarinig siya ng pagbagsak. Nang walang pag-aatubili, hinila ni Xinrui ang kanyang kapatid palayo sa kapahamakan, na agad kumalat online.

Samantalang, isang trahedya ang yumanig sa South Korea ngayong taon. Nauna rito, isang lalaki na nasa edad 40s ang umamin sa pagpatay sa kanyang asawa at dalawang tinedyer na anak na lalaki. Naiulat kalaunan ng Korea Times na si Ji, 49, ay nagtatrabaho bilang isang rebar foreman. Gayunpaman, diumano'y umabot sa halos ₩160 milyon ang utang ni Ji na labis niyang ikinabigla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Tags:
Hot: