Med students lunch break, nauwi sa matinding trahedya dahil sa Air India plane crash
- Nagla-lunch lang ang mga med students nang biglang may sumabog sa labas ng hostel
- Ang akala nilang low-flying plane, isa palang eroplanong babagsak sa mismong campus
- Kuwento ng intern, usok at alikabok ang pumasok sa loob bago sila nagsitakbuhan
- Ilang estudyante ang nasawi sa insidente habang marami ang sugatan at ginagamot pa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang ordinaryong tanghalian para sa mga medical students sa B.J. Medical College ang nauwi sa matinding bangungot. Huwebes, Hunyo 12, habang kalmado nilang inuubos ang simpleng pagkain—lentils, cabbage, at tinapay—biglang bumulusok ang isang Boeing 787 Dreamliner ng Air India at bumagsak mismo sa gusaling malapit sa kanilang dining area.

Source: Facebook
Sa loob ng ilang segundo, ang katahimikan ay napalitan ng malakas na pagsabog, makapal na usok, at sigawan ng mga estudyante.
Isa sa mga intern, si Mohit Chavda, ay nagsabing, “We only heard a blast. Then we just saw the dust and smoke coming inside with force.” Tumigil umano ang lahat, hindi makagalaw, tila tumigil ang pag-iisip.
Pero sa gitna ng kaguluhan, gumana ang muscle memory. "We just got up and started running. We couldn’t see anything, but there is muscle memory: We knew which way the exit was,” dagdag ni Chavda.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanilang pagtakbo palabas, saka lang nila nakita ang buntot ng eroplano—nakabaon sa gusali—isang surreal na eksena na mistulang mula sa pelikula. Iniulat din na hindi lang pasahero ang nadamay sa sakuna, kundi maging ang ilang estudyante sa kolehiyo.
Ayon kay college dean Minakshi Parikh, “Most of the students escaped, but 10 or 12 were trapped in the fire.” Hindi bababa sa apat na estudyante ang kumpirmadong nasawi.
Ayon sa mga opisyal, maraming bangkay ang hindi pa rin nakikilala at dadaan pa sa DNA testing. Ilang dosena pa ang kasalukuyang ginagamot sa ospital ng lungsod.
Sa ulat ng New York Times, ang gusali ng B.J. Medical College ay nasa dulo mismo ng runway ng Ahmedabad Airport—kaya sanay na raw ang mga residente sa malalakas na tunog mula sa mga eroplano. Pero sa araw na iyon, kakaiba ang bagsik.
Sa kasalukuyan, bumuo na ng high-level committee ang pamahalaan ng India upang imbestigahan ang pangyayari at maiwasan na itong maulit. Mahigit 200 na ang nasawi sa crash, at isa pa lang ang natutukoy na nakaligtas.
Ang Boeing 787 Dreamliner ay isa sa mga modernong long-haul aircraft na kilala sa pagiging fuel-efficient at mas tahimik na biyahe. Ginagamit ito ng Air India para sa mga international flights, kabilang na ang rutang Ahmedabad patungong London. Nitong Hunyo 12, 2025, isa sa mga Dreamliner ng Air India ang bumagsak ilang segundo lamang matapos itong lumipad mula sa Ahmedabad Airport.
Isang malagim na insidente ang yumanig sa India matapos bumagsak ang Air India flight ilang segundo lamang matapos itong lumipad. May dalang 242 na sakay ang eroplano na patungong London, kabilang ang mga bata at crew members.
Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng social media para sa mga biktima ng sakuna. Tinawag niya ang insidente bilang isang "heartbreaking" na pangyayari at hinikayat ang pagbibigay ng tulong sa mga apektado.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh