South Korea President Yoon Suk Yeol, inanunsyo ang pagtanggal ng emergency martial law
- Idineklara ni President Yoon Suk Yeol ng South Korea ang emergency martial law upang protektahan ang bansa mula sa mga "communist forces"
- Inakusahan ni Yoon ang oposisyon ng pagpaparalisa sa pamahalaan para sa personal na interes at hindi pagpapahalaga sa kapakanan ng mamamayan
- Sinabi ni Yoon na ang mga mambabatas ng oposisyon ay binawasan ang mga budget para sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng paglaban sa krimen ng droga at pampublikong seguridad
- Tinawag ni Yoon ang oposisyon bilang anti-state forces at ipinangako niyang ibabalik ang bansa sa normalidad sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga ito
Idineklara ni President Yoon Suk Yeol ng South Korea ang emergency martial law nitong Martes, bilang hakbang upang protektahan ang bansa mula sa mga "communist forces," habang patuloy ang alitan sa parliyamento kaugnay ng panukalang batas sa budget.
Ayon kay Yoon, ang hakbang ay kinakailangan upang "pangalagaan ang liberal na South Korea mula sa banta ng mga komunistang pwersa ng North Korea at upang alisin ang mga anti-state forces."
Pinuna ni Yoon ang oposisyon na hindi iniisip ang kapakanan ng mamamayan at pinipigilan ang pamahalaan sa pamamagitan ng impeachment, espesyal na imbestigasyon, at pagtatangkang protektahan ang kanilang lider mula sa hustisya.
Ayon pa sa kanya, "Our National Assembly has become a haven for criminals, a den of legislative dictatorship that seeks to paralyze the judicial and administrative systems and overturn our liberal democratic order."
Inakusahan din ni Yoon ang mga mambabatas ng oposisyon na binawasan ang mga mahahalagang bahagi ng budget na may kinalaman sa mga pangunahing tungkulin ng bansa tulad ng paglaban sa krimen ng droga at pagpapanatili ng pampublikong seguridad.
Dahil dito, tinawag ni Yoon ang oposisyon bilang "anti-state forces na may layuning pabagsakin ang rehimen" at sinabi niyang ang kanyang desisyon ay "hindi maiiwasan." Ipinangako niyang ibabalik ang bansa sa normalidad sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga anti-state forces sa lalong madaling panahon.
Gayunpaman, Inanunsyo ni Yoon Suk Yeol ang pagtanggal ng emergency martial law nito ding Miyerkules, habang bumoto ang Pambansang Asembleya upang ipanawagan ang pagtatapos nito sa gitna ng pagpapahayag ng Estados Unidos ng "matinding pag-aalala" sa kaganapan.
Inaprubahan ng kanyang Gabinete ang isang mosyon para wakasan ang pagpapatupad ng batas militar nitong 4:30 a.m., humigit-kumulang anim na oras matapos niyang gawin ang sorpresang emergency declaration.
Source: KAMI.com.gh