Ina sa France, huli matapos madiskubre ng kaniyang mga anak ang 2 sanggol sa loob ng freezer

Ina sa France, huli matapos madiskubre ng kaniyang mga anak ang 2 sanggol sa loob ng freezer

  • Isang 50-anyos na ina ang inaresto sa Paris matapos madiskubre ang dalawang pumanaw na sanggol sa loob ng isang freezer sa kanilang tahanan
  • Ang nakakangilabot na diskubre ay unang nakita ng kaniyang sariling mga anak noong Pebrero 10 sa eastern France
  • Inamin ng suspek na itinago niya ang kaniyang mga pagbubuntis sa kaniyang pamilya at asawa sa loob ng mahabang panahon
  • Kasalukuyang sumasailalim sa autopsy ang mga labi habang nasa kustodiya na ng mga pulisya ang ina para sa kaukulang kaso

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang nakakagimbal na katotohanan ang tumambad sa isang pamilya sa bayan ng Aillevillers-et-Lyaumont sa eastern France matapos nilang madiskubre ang isang madilim na lihim sa loob mismo ng kanilang tahanan. Noong Pebrero 10, 2026, laking gulat ng isa sa mga anak ng suspek nang makita ang isang pumanaw na sanggol sa loob ng kanilang freezer na matatagpuan sa laundry area.

Ina sa France, huli matapos madiskubre ng kaniyang mga anak ang 2 sanggol sa loob ng freezer
Ina sa France, huli matapos madiskubre ng kaniyang mga anak ang 2 sanggol sa loob ng freezer (đź“·Pexels)
Source: Facebook

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at sa mas malalim na pag-iimbestiga, isa pang sanggol ang natagpuan na nakabalot naman sa loob ng isang bag. Dahil dito, mabilis na binaling ng pulisya ang kanilang paningin sa ina ng tahanan, na mayroong siyam na anak mula sa tatlong magkakaibang lalaki.

Read also

Bea Alonzo pormal nang iniurong ang kasong cyber libel laban kay Cristy Fermin

Nasakote ang 50-anyos na suspek sa Paris noong Pebrero 11. Sa harap ng mga imbestigador, tahasan niyang inamin ang kaniyang ginawa. Ayon sa kaniya, dalawang beses niyang itinago ang kaniyang pagbubuntis at nanganak nang mag-isa nang walang nakakaalam na kapamilya.

Ipinaliwanag ng suspek na ginawa niya ang unang krimen noong taong 2011, kung saan ang sanggol ay inilagay niya sa freezer malapit sa laundry area. Sinundan pa ito noong taong 2018 nang muli siyang mabuntis. Upang hindi mahalata ng kaniyang asawa at mga anak, sinabi niya na nagsuot siya ng malalaking damit upang hindi mahalata ng kanyang pamilya ang lihim niyang pagbubuntis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang suspek ay iniulat na biglang umalis sa kanilang tahanan noong Disyembre 2024, na naging mitsa upang mapansin ng kaniyang mga anak ang kaniyang kahina-hinalang ikinikilos. Sa kaniyang pag-amin sa pulisya, nagpahayag din siya ng pagsisisi para sa kaniyang pamilya at mga anak na nakadiskubre ng kaniyang ginawa.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad ang ina at nahaharap sa kasong infanticide. Isinasagawa na rin ang autopsy sa dalawang sanggol upang malaman ang tunay na sanhi ng kanilang pagkamatay. Ang insidenteng ito ay muling nagbukas ng diskusyon sa France tungkol sa "pregnancy denial" at ang mga sikolohikal na aspeto ng ganitong uri ng mga kaso.

Read also

DOTr-MRT-3 kinondena ang viral na paghawak ng tarpaulin ng empleyado sa Shaw station

Sa ating bansa, patuloy din ang panawagan ng mga awtoridad para sa proteksyon ng mga sanggol laban sa kapabayaan at ilegal na gawain. Kamakailan, nailigtas ng PNP ang ilang mga sanggol na hinihinalang ibinebenta ng kanilang sariling mga ina sa Quezon City at Batangas. Ang mabilis na aksyon ng kapulisan ay naglayong pigilan ang mas malala pang pagsasamantala sa mga walang kamalay-malay na bata.

Samantala, isang nakapanlulumong eksena naman ang tumambad sa mga residente ng Cagayan de Oro nang makatagpo sila ng isang bagong silang na sanggol na nakasilid sa loob ng isang ecobag. Agad na dinala ang sanggol sa ospital para sa agarang gamutan habang patuloy na hinahanap ang mga taong responsable sa pag-iwan sa bata sa gitna ng daan. Ang mga ganitong balita ay nagsisilbing paalala sa bigat ng responsibilidad ng pagiging isang magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate