Miss Mexico Fátima Bosch speaks up after Miss Universe 2025 backlash

Miss Mexico Fátima Bosch speaks up after Miss Universe 2025 backlash

  • Naglabas ng serye ng Instagram stories si Fátima Bosch bilang tugon sa matinding puna na natanggap matapos ang Miss Universe 2025 win
  • Ibinahagi niya ang ilang mensaheng natanggap online at sinabi niyang hindi ito magpapahina sa kanya
  • Pinanatili niyang matatag ang kanyang paninindigan at idiniin ang kanyang paghahanda at dedikasyon
  • Tinukoy din niya ang kahalagahan ng pagsuporta sa kababaihan habang patuloy siyang kumakatawan sa bansa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng mensahe si Miss Mexico Fátima Bosch sa gitna ng patuloy na puna na umaabot sa kanya matapos niyang makuha ang Miss Universe 2025 crown sa Thailand noong November 20. Sa kanyang Instagram stories, ipinakita niya ang ilang mensaheng natanggap na puno ng pang-aalipusta. Hindi na niya sinipi ang bawat detalye ngunit malinaw na maraming hindi nagustuhan ang resulta.

Miss Mexico Fátima Bosch speaks up after Miss Universe 2025 backlash
Miss Mexico Fátima Bosch speaks up after Miss Universe 2025 backlash (📷Miss Universe/Facebook)
Source: Facebook

Sa halip na manahimik, pinili ni Bosch na magpakita ng paninindigan. Sa isa sa kanyang pahayag, sinabi niyang “Today I want to raise my voice not as a beauty queen, but as a woman.” Idinugtong pa niya sa hiwalay na bahagi ng kanyang mensahe na “Because a woman with dreams, preparation and heart decided to stand up and fight for what she loves.” Pinayuhan niya ang sarili at ang kanyang supporters na manaig ang tiwala at dedikasyon, at sinabi pa na “What does define me is my strength, my integrity, and the love I have for my country and for the women of the whole world whom I represent.”

Read also

Lars Pacheco nagsalita matapos maugnay sa hiwalayan nina Clyde at Airha

Habang nagpapatuloy ang usapin online, kasama na ang mga alegasyong may hindi patas na nangyari sa kompetisyon, nanindigan si Bosch na ang kanyang pagwawagi ay bunga ng mahabang paghahanda. Hindi rin niya direktang sinagot ang mga akusasyon, bagkus ay inuna ang pagpapakita ng respeto at composure. Para sa kanya, mahalaga raw na ipakita na ang isang babae ay may kakayahang magtagumpay nang buong tapang at kababaang-loob.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Fátima Bosch ay kinatawan ng Mexico sa Miss Universe 2025. Kilala siya sa pagiging vocal sa women empowerment at sa kanyang mga proyekto tungkol sa education at community upliftment. Bago sumabak sa Miss Universe stage, matagal siyang naghanda at aktibo sa iba’t ibang charity engagements sa Mexico. Ang kanyang personalidad at advocacy work ang dahilan kung bakit lumakas ang suporta sa kanya bago pa man ang coronation night.

MUO president releases messages in response to online claims Sa isang artikulo ng KAMI, naglabas ng sariling paliwanag ang Miss Universe Organization president tungkol sa mga usaping ipinupukol online. Ipinaliwanag niya ang ilang detalye tungkol sa proseso at binahagi ang ilang screenshot ng mga natanggap niyang mensahe. Naging bahagi ito ng mas malawak na diskusyon tungkol sa integridad ng kompetisyon at kung paanong umusbong ang iba’t ibang haka-haka online.

Bryne breaks silence, ipinakita ang hawak na result sheet ng Miss Universe 2025 Sa isa pang ulat ng KAMI, nagbigay linaw si Bryne sa pamamagitan ng pagpapakita ng result sheet ng Miss Universe 2025. Layunin nitong patunayan na transparent umano ang proseso. Naging mainit ang pagtanggap dito at nagdulot ito ng panibagong serye ng diskusyon tungkol sa kung sapat ba ang ebidensyang ipinakita upang payapain ang mga nagdududa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate