Dating sekyu at naging magsasaka, nagtapos ng kolehiyo sa edad na 69 at board passer sa edad na 72
- Viral ang post ukol sa isang magsasaka na natapos ng kolehiyo sa edad na 69
- Bukod dito, agad din siyang naging board passer sa edad na 72
- Labis ding nakamamangha sa kanya ay ang pag-una sa pagpapa-aral sa mga anak na pawang mga propesyunal na ngayon
- Dahil dito, umani siya ng papuri sa kanyang kwento na hatid ay pag-asa at inspirasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Marami ang humanga sa kwento ng isang dating sekyu na naging magsasaka na si Tatay Diosdado Evangelista.

Source: Facebook
Pinatunayan niyang walang pinipiling edad at panahon ang pag-abot ng mga pangarap.
Naibahagi ng CPSU-Candoni-Publication ang kwento ni Tatay Diosdado na nagsimula sa Candoni, Negros Occidenta lkung saan siya isinilang. Maaga niyang natutunan ang kahalagahan ng pagsisikap nang lumipat ang kanilang pamilya sa Candoni noong 1959.
Dito niya sinimulang hubugin ang kanyang mga pangarap. Matapos magtapos ng elementarya noong 1966 at hayskul noong 1970, pinili niyang kumuha ng kursong bokasyonal sa Auto Diesel Mechanic upang agad na makatulong sa pamilya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi naging madali ang buhay. Nagtrabaho siya bilang security guard, nagsilbi sa isang kompanya ng pagmimina, at kalaunan ay buong-pusong niyakap ang pagsasaka, isang hanapbuhay na naging sandigan ng kanilang pamilya sa loob ng maraming dekada.
Bilang asawa at ama ng apat, inialay ni Tatay Diosdado ang lahat para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Sa pawis at tiyaga sa bukid, napagtapos niya ang lahat ng mga ito hanggang maging ganap na mga propesyonal.
Para sa kanya, sapat na ang makita ang tagumpay ng kanyang mga anak kahit maisantabi ang sariling pangarap.
Ngunit noong 2016, nagbago ang takbo ng kanyang buhay. Isang karanasang panlilinlang sa kanyang kabuhayan ang nagmulat sa kanya sa kahalagahan ng edukasyon.
Sa edad na karamihan ay nagpapahinga na, pinili niyang bumalik sa paaralan. Taong 2018, pumasok siya sa CPSU–Candoni Campus at nagtapos ng Bachelor of Science in Agribusiness noong 2023, sa edad na 69.
Hindi naging hadlang ang kabiguan sa mga pagsusulit. Sa halip, nagsilbi itong hamon.
Ngayon, sa edad na 72, isa na siyang Registered Agriculturistpatunay na ang pangarap ay hindi nasusukat sa edad kundi sa tapang at paninindigan.
Ang buhay ni Tatay Diosdado ay paalala sa lahat: ang oras ay hindi kalaban ng pangarap. Hangga’t may paniniwala at tiyaga, may tagumpay na naghihintay.
Kamakailan, naghatid din ng inspirasyon ang nag-viral sa social media na mga video na kuha sa Divisoria, Maynila, kung saan isang kargador na kilalang si Christian Tee o mas kilala bilang “Boy Buhat” ang biglang naging instant reporter sa ABS-CBN News, na nag-iulat tungkol sa sitwasyon ng mga nagbebenta at mamimili sa pamilihan ngayong papalapit ang Kapaskuhan.
Ayon sa ABS-CBN reporter na si Jessie Cruzat, nakiusap si Christian na makunan ng video habang hawak ang mic ng reporter. Sa halip na basta pag-bigyan lamang ang kahilingan, naisip ni Jessie na hayaan siyang mag-ulat nang personal. Kitang-kita sa viral na video ang kasiyahan ni Christian habang seryoso niyang ibinabahagi ang update sa dami ng tao sa Divisoria at ang dami ng nag-cha-Christmas shopping. Hindi lang simpleng viral moment ang nagawa ni Christian — umani siya ng papuri sa publiko dahil sa kanyang natural na paraan ng pag-uulat at sa kanyang determinasyon na ipakita ang kanyang galing kahit sa maiksing sandali lamang. Marami sa mga netizen ang humanga sa kanya at nagsabing may potensyal siya sa larangan ng pamamahayag.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


