“Hanggang kailan niyo ba ako lalaitin?” – Whamos Cruz, umalma sa pambabash sa kanya
- Kinumpirma nina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario nitong Setyembre na inaasahan na nila ang kanilang pangalawang anak, kasunod ng pagbabahagi ng sonogram sa social media
- Kasabay ng magandang balita, muling nakatanggap ng negatibong komento si Whamos mula sa ilang netizens na nagsabing huwag daw sanang kamukha ng baby ang ama
- Naglabas ng sama ng loob si Whamos sa social media at diretsahang tinanong kung hanggang kailan ba siya lalaitin at bakit hindi na lamang maging masaya para sa kanila
- Umani naman siya ng suporta mula sa kanyang followers na nagpaalala na ang mahalaga ay masaya at buo ang kanilang pamilya sa kabila ng mga bashers
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi na nakapagtimpi ang social media personality na si Whamos Cruz matapos muling makatanggap ng pambabatikos mula sa ilang netizens. Kasunod kasi ng pagbabahagi nila ng partner niyang si Antonette Gail Del Rosario na magkakaroon na sila ng ikalawang anak, may ilan pa ring bumati ng negatibong komento.

Read also
Kara David, may malupit na birthday wish para sa mga kurakot ngayong ika-52 niyang kaarawan

Source: Facebook
Nitong Setyembre, masayang inanunsyo ng mag-partner ang pagbubuntis ni Antonette sa pamamagitan ng pagpapakita ng sonogram ng kanilang baby. “ISANG ANGEL NANAMAN ANG DARATING SA BUHAY NATEN,” caption ni Whamos na sinamahan ng masayang emojis at pagbabahagi ng kanilang excitement sa bagong miyembro ng pamilya.
Ngunit sa halip na positibong komento, may ilang netizens na nagbitiw ng masasakit na salita. Ayon sa kanila, sana raw ay huwag maging kamukha ni Whamos ang bata kapag isinilang na. Dahil dito, naglabas ng matinding reaksyon ang vlogger at sinabi: “ETO NANAMAN TAYO SA WAG KO DAW SANA MAGING KAMUKA ANG BABY PAG LABAS HAYS HANGGANG KAILAN NYO BA AKO LALAITIN? HANGGANG SA PAG TANDA KOBA?”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, tila hindi na raw makatarungan ang patuloy na panlalait na natatanggap niya. “BAKET BA HINDI NALANG KAYO MAGING MASAYA PARA SAKEN? ANO BANG MALING GINAWA KO SA INYO? TAPOS SASABIHIN PA NG IBA HINDI KO DAW ANAK NANAMAN,” aniya pa.
Bagama’t may mga bashers, agad namang dumagsa ang suporta mula sa kanyang mga followers. Marami ang nagpaalala kay Whamos na huwag na lamang patulan ang mga nega at mas ituon ang pansin sa masayang buhay pamilya nila ni Antonette at ng kanilang panganay na si Baby Meteor. Para sa kanila, ang importante ay buo, masaya, at lumalaki na ang kanilang pamilya.
Si Whamos Cruz ay unang nakilala bilang content creator at social media personality na kalaunan ay sumikat sa TikTok at YouTube. Kilala siya sa kanyang komedyang estilo at kakaibang paraan ng pagpapatawa. Kasama ang partner na si Antonette Gail, naging mas malapit sila sa netizens matapos isilang ang kanilang unang anak na si Baby Meteor, na madalas ding bida sa kanilang vlogs. Ngayon, masaya nilang ibinahagi na darating na ang pangalawang baby, ngunit hindi pa rin sila ligtas sa mga bashers na walang sawang pumupuna.
Kamakailan, nagpaliwanag si Whamos matapos makatanggap ng batikos kaugnay ng isa niyang post sa social media. Ipinunto niya na wala siyang intensyong masama at nagpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanyang pamilya. Sa kabila ng pambabash, nanatili siyang matatag at ipinakitang mas importante sa kanya ang mga taong nagmamahal kaysa sa mga pumupuna.

Read also
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Samantala, kinumpirma rin ng KAMI sa isang ulat ang pagbubuntis ni Antonette Gail at ang masayang pagbabahagi nilang dalawa na magkakaroon na ng panibagong miyembro ng pamilya. Sa nasabing report, ibinahagi ang kanilang excitement at ang naging positibong reaksyon ng kanilang fans na natuwa para sa kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh