Diwata, inilahad ang matinding dagok sa negosyo: "Masama ang loob ko, nautangan pa nila ako"
- Makalipas ang isang taon, kinumusta ni Julius Babao ang kilalang online personality na si Deo Balbuena
- Mas kilala siya sa tawag na Diwata lalo na nang pilahan ang kanyang negosyong paresan
- Naikwento ni Diwata ang pasakit na pinagdaanan umano ng kanyang sikat na sikat noon na paresan
- Matatandaang napalago naman niya ito subalit lingid sa kaalaman ng iba na matinding dagok pala ang kanyang kinakaharap sa paglago ng negosyo niyang ito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Makalipas ang isang taon, muling kinumusta ni veteran broadcast journalist Julius Babao ang kilalang online personality na si Deo Balbuena, mas nakilala ng publiko bilang Diwata ng Diwata Pares Overload.

Source: Facebook
Si Diwata ay sumikat noong nakaraang taon matapos pilahan ng mga tao ang kanyang paresan, na kalauna’y naging isa sa mga pinakapatok na kainan sa social media.
Sa kabila ng tagumpay, ibinunyag niya kay Babao ang mabigat na pasakit na kanyang dinaranas dahil sa maling desisyon at umano’y pananamantala ng ilang tao sa kanyang negosyo.

Read also
Ice Seguerra, naging emosyonal sa pagdalaw sa puntod ng mga magulang: “I love you, Mama and Daddy”
Ayon kay Diwata, may ilang tao ang lumapit sa kanya at nangakong palalaguin ang kanyang brand kapalit ng halagang ₱300,000 bawat branch kasama pa ang royalty fee.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa una, inakala niyang ito ang susi upang makaahon siya sa kahirapan, ngunit sa bandang huli, siya raw mismo ang napilitang sagutin ang lahat ng gastos.
“Kinagat ko sila kasi ang ganda-ganda ng paliwanag nila na i-expand ‘yung Diwata Pares. Wala akong gagawin. Pangalan ko lang [ang gagamitin]. Ang mangyayari, tatanggap ng halimbawa sa isang branch ng ₱300,000 plus royalty fee. So, pumayag ngayon ako sa kagustuhan ko rin na makaahon sa kahirapan. Pero ang ending, wala talaga akong napala. Ako pa ‘yung nautangan,”
Talagang naging emosyonal na si Diwata nang sabihing, “Nakakaiyak talaga. Ang laking halaga nun. ₱300K. Parang ‘yan ‘yung rent sa Quezon City branch. Kuryente. Parang ganoon ‘yung nakalagay sa file nung may-ari (lot owner). Ako talaga ang magbabayad. Wala akong kaalam-alam na ako ang magbabayad.”

Read also
Matandang babae, na-scam ng nagpanggap na umano'y lalaking astronaut na stranded sa outer space
Sa kanyang salaysay, hindi napigilang maiyak ni Diwata habang isinasalaysay ang tila mapait na aral na kanyang naranasan.
“So dahil nga obligado tayong magbayad, babayaran ko. Masama ang loob ko. Nautangan pa nila ako. Nakaka-disappoint lang talaga. Wala na nga akong kinita sa mga paresan ko tapos nautangan pa ako at magbabayad pa ako. Sobrang sakit para sa akin. Hindi naman ako mayaman. Alam niyo naman ‘yung journey ko sa buhay. Nagsikap lang ako,” dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Julius Babao:
Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.
Noong 2024, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Read also
Mag-asawa, kinulong umano ang anak sa banyo at ikinadena sa tabi ng inidoro sa loob ng 6 na taon
Samantala, naging bahagi rin si Diwata ng seryeng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Masasabing napaka-busy talaga noong nakaraang si Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na rin sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito na dinaluhan ng ilang mga kilalang artista.
Noong Oktubre 2024, pormal niyang inihain ang kanyang certificate of candidacy, na naglalayong magsilbing boses ng mga maliliit na negosyante, lalo na ang mga nagtitinda sa kalsada, sa Kongreso. Isa sa mga layunin ng Vendors Party-list ay magtatag ng kooperatiba upang matulungan ang mga nagtitinda na madaling makakuha ng suporta at mga pwesto para magbenta.
Nito lamang Pebrero 2025, muling gumawa ng ingay ang pangalan ni Diwata nang humingi siya ng paumanhin at patawad matapos ang mga larawan niyang nakasuot ng tradisyunal na kasuotan ng mga katutubong tao sa Panagbenga Festival sa Baguio ay nakatanggap ng mga puna mula sa National Commission on Indigenous Peoples, na nag-akusa ng cultural appropriation.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh