Driver na sangkot sa CLLEX van crash, positibo sa ilegal na droga
- Kumpirmadong nagpositibo sa drug test ang driver ng closed van na sangkot sa malagim na aksidente sa https://kami.com.ph/175959-isang-lalaki-sa-antipolo-nahulihan-ng-halos-700k-pesos-na-halaga-ng-illegal-na-droga.html (CLLEX) sa Tarlac City nitong Agosto 12, 2025, habang negatibo naman ito sa alcohol breath test ayon sa ulat ng mga awtoridad
- Limang pasahero ang nasawi, apat sa kanila ang dead on the spot at isa pa ang binawian ng buhay sa ospital, habang siyam na iba pa kabilang ang driver ang nagtamo ng mga sugat matapos bumangga ang closed van sa metal fence ng expressway
- Ayon sa salaysay ng ilang nakaligtas na pasahero, mabilis ang takbo ng sasakyan na tinatayang nasa pagitan ng 80 hanggang 100 kilometro kada oras bago ito mawalan ng kontrol at sumalpok, at walang ibang sasakyan na sangkot sa insidente
- Mahaharap ang driver sa mabibigat na kaso kabilang ang multiple h0micide, multiple serious physical injuries, at damage to property, matapos kumpirmahin ng mga awtoridad na siya ay nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga habang nagmamaneho
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Kumpirmado ng mga awtoridad na nasa ilalim ng impluwensya ng ilegal na droga ang driver ng closed van na sumalpok sa metal fence sa Central Luzon Link Expressway (CLLEX) sa Tarlac City nitong Martes ng umaga, Agosto 12, 2025.

Source: Facebook
Base sa opisyal na ulat, nagpositibo sa drug test ang driver habang negatibo naman sa alcohol breath test. Ayon sa pulisya, walang ibang sasakyang sangkot sa insidente kaya’t tinuturing itong self-accident.
Limang katao ang nasawi—apat ang dead on the spot habang isa ang binawian ng buhay sa ospital. Siyam pa ang nagtamo ng sugat, kabilang na ang mismong driver. Galing Caloocan City ang grupo at patungo sana sa Cabanatuan, Nueva Ecija nang mangyari ang trahedya.
Batay sa salaysay ng mga pasahero na nakaligtas, mabilis ang takbo ng closed van, tinatayang nasa pagitan ng 80 hanggang 100 kph, bago mawalan ng kontrol ang driver at bumangga sa matibay na metal fence ng expressway. Ayon sa depensa ng driver, biglaan umano ang pagkawala ng kontrol sa sasakyan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil sa insidente, mahaharap siya sa mabibigat na kaso kabilang ang multiple h0micide, multiple serious physical injuries, at damage to property.
Ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga driver na nasa impluwensya ng droga ay matagal nang isyung kinakaharap ng bansa. Bukod sa panganib sa buhay at ari-arian, madalas ding nadadamay ang mga inosenteng pasahero at motorista. Sa mga nakaraang taon, pinaigting ng mga awtoridad ang random drug testing para sa mga driver ng pampubliko at pribadong sasakyan bilang hakbang upang maiwasan ang ganitong trahedya.
Sa isang buy-bust operation sa Antipolo City, naaresto ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos ₱700,000. Ayon sa PNP, matagal nang minamanmanan ang suspek na kabilang umano sa drug watchlist ng lugar. Patunay ito na patuloy ang operasyon laban sa ilegal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Isang lalaki ang inaresto matapos brutal na patayin ang kanyang kinakasama sa gitna ng umano’y pagha-hallucinate dulot ng matagal na paggamit ng ilegal na droga. Ayon sa pulisya, wala sa tamang pag-iisip ang suspek nang mangyari ang krimen. Ang insidenteng ito ay isa pang paalala ng matinding epekto ng droga sa pag-uugali at kaligtasan ng tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh