“Lowbat Sidecar Boy,” pinatikim ni Yorme ng pitik sa tenga

“Lowbat Sidecar Boy,” pinatikim ni Yorme ng pitik sa tenga

  • Isang lalaki ang nag-viral matapos harangin ang daan gamit ang kaniyang sidecar sa Tondo
  • Tinawag siyang "Lowbat Sidecar Boy" dahil tila wala siyang pakialam sa trapiko
  • Agad na inaksyunan ng Manila Police District at dinala ang lalaki sa munisipyo
  • Nagbabala si Yorme Isko sa mga pasaway at muling iginiit na may gobyerno na sa Maynila

Isang panibagong eksena ang naging viral sa social media kamakailan matapos mamataan ang isang lalaki na humarang sa kalsada gamit ang kaniyang sidecar sa Quezon Street, papuntang Herbosa, Tondo. Nakuhanan sa video ang lalaki na tila “lowbat” sa pakialam sa matinding trapikong dulot ng kaniyang ginawang pagbabara. Dahil dito, agad siyang tinaguriang “Lowbat Sidecar Boy” ng mga netizens.

“Lowbat Sidecar Boy,” pinatikim ni Yorme ng pitik sa tenga
“Lowbat Sidecar Boy,” pinatikim ni Yorme ng pitik sa tenga (📷Isko Moreno Domagoso/Facebook)
Source: Facebook

Hindi nagtagal ay agad na inaksyunan ng Manila Police District ang insidente matapos makarating sa kaalaman ng lokal na pamahalaan. Dinala sa munisipyo ang lalaki para pagpaliwanagin, at dito na nga muling pinatunayan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kaniyang determinasyon na maipakita sa lahat na may gobyerno na sa Maynila.

Read also

2-anyos na bata patay matapos atakihin ng bubuyog sa Aurora, Zamboanga del Sur

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Yorme ang kanyang update ukol sa pangyayari. Kalakip nito ang mga larawan na kuha sa munisipyo kung saan makikita ang aktwal na "pitik sa tenga" na iginawad niya sa lalaking sangkot. Ang naturang pitik ay isang simbolikong babala sa mga pasaway at paalala na hindi na palalagpasin ng pamahalaang lungsod ang anumang perwisyo sa mga lansangan.

“Uulitin ko: May gobyerno na po sa Maynila! Hindi na pwede ’yung siga-siga at perwisyong ginagawa sa kalsada,” mariing pahayag ng alkalde.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilang babala, sinabi rin niya: “Ngayon pitik lang muna sa tenga. Sa susunod na lumabag kayo sa mabigat na batas talagang may kakalagyan kayo!”

Patuloy namang nagpapasalamat si Yorme sa mga netizens na masigasig na nagmo-monitor at nagrereport ng mga insidente sa lungsod. Aniya, malaking tulong ito sa kanilang layunin na mapanatili ang kaayusan at disiplina sa Maynila. “Sa ating mga netizen, maraming salamat po sa inyong pagtulong! Tuloy-tuloy lang po ang pag-tag sa ating pamahalaang lungsod, at agad naming tinutugunan ’yan,” dagdag pa ni Domagoso.

Read also

Lasing na rider sumalpok sa stretcher sa gitna ng rescue sa Kidapawan

Sa ngayon, hindi pa inilalabas ang buong pagkakakilanlan ng lalaki, ngunit naging tampok siya sa social media matapos makuhanan ng video na nagpapakita ng kanyang pagbabara sa kalsada. Bagamat tila hindi intensyonal ang kaniyang ginawa, naging sanhi ito ng matinding abala sa mga motorista at commuters sa lugar.

Si Francisco “Isko” Moreno Domagoso ay isinilang noong Oktubre 24, 1974 sa Tondo, Maynila at lumaki sa kahirapan bilang basurero bago nadiskubre bilang artista sa programang That’s Entertainment noong dekada '90. Matapos makilala sa showbiz, pumasok siya sa politika noong 1998 bilang konsehal, naging Bise Alkalde mula 2007 hanggang 2016, at tuluyang nahalal bilang Mayor ng Maynila noong 2019. Bilang alkalde, nakilala siya sa mga proyektong rehabilitasyon gaya ng Jones Bridge, Manila Zoo, at mga pabahay na “Tondominium,” pati na rin sa mabilis na pagtugon sa pandemya.

Noong Mayo, naging usap-usapan din ang pagkatalo ni Sam Versoza sa pagka-alkalde ng Maynila kung saan si Isko Moreno ay muling lumutang bilang makapangyarihang figura sa lokal na pulitika. Tinanggap naman ni Versoza ang resulta at pinuri pa si Isko sa kanyang karanasan sa serbisyo publiko. Ayon sa kanyang pahayag:.

Read also

Lola, na-trap sa sunog na umano’y mula sa kandilang sinindi niya para sa yumaong asawa

Samantala, matapos ang tagumpay sa eleksyon, naglabas naman ng emosyonal na pahayag si Isko Moreno kung saan hinikayat niya ang pagkakaisa at healing sa lungsod ng Maynila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: