Biktima, tinaga ng kainuman matapos umano’y paulit-ulit na sintunado ang pagkanta
- Isang videoke session sa Misamis Oriental ang nauwi sa malagim na trahedya matapos pagtatagain ng kainuman ang isang lalaki na umano'y sintunado habang kumakanta, na agad na ikinasawi ng biktima sa mismong lugar ng insidente
- Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, makailang ulit nang sinaway ang biktima ng suspek dahil sa mali-maling tono ng pagkanta nito ngunit hindi ito tumigil, dahilan upang tuluyang mag-init ang ulo ng suspek
- Habang kumakanta pa ang biktima, bigla umanong lumapit ang suspek, kinompronta ito, at sa kasagsagan ng pagtatalo ay kumuha ng matalas na sandata at sunod-sunod na inundayan ng taga ang kanyang kainuman
- Mabilis na nakaresponde ang mga awtoridad at naaresto ang suspek, na umamin sa krimen at sinabing ginawa niya ito dahil gusto na niyang patahimikin ang biktima; ngayon ay nahaharap siya sa kasong hom!cide
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nauwi sa madugong insidente ang isang inuman sa probinsya ng Misamis Oriental matapos pagtagain ng isang lalaki ang kanyang kainuman dahil sa diumano'y sintunado nitong pagkanta habang videoke session. Ayon sa mga ulat, nagtamo ng matitinding sugat sa ulo, leeg, at likod ang biktima na agad na ikinasawi nito sa mismong lugar ng insidente.

Source: Facebook
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, paulit-ulit umanong sinasaway ng suspek ang biktima sa tuwing ito ay kakanta dahil sa mali-maling tono at tila hindi makuhang makisabay sa tamang ritmo ng musika. Sa halip na tumigil, patuloy umano sa pagkanta ang biktima na lalo raw ikinagalit ng suspek.
Sa kasagsagan ng pag-awit ng biktima, lumapit ang suspek at kinompronta ito, dahilan upang sila ay magkaroon ng mainitang pagtatalo. Ilang sandali pa, bigla na lamang kumuha ng matalas na armas ang suspek at inundayan ng sunod-sunod na taga ang biktima.
Agad rumesponde ang mga awtoridad at naaresto ang suspek. Sa panayam, inamin ng lalaki ang krimen at sinabing "gusto ko lang siyang patahimikin." Sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong hom!cide at nananatili sa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa mga residente ng lugar, kilala ang biktima na mahilig kumanta sa mga inuman, ngunit madalas din umano itong hindi sumasabay sa tamang tono. Hindi rin ito ang unang insidente kung saan nauwi sa karahasan ang mga biruan sa videoke.
Sa Pilipinas, ang videoke ay bahagi na ng kasiyahan sa halos lahat ng handaan — ngunit sa ilang pagkakataon, nauuwi ito sa tensyon at trahedya. Ilan sa mga insidente ay naiuugnay sa hindi pagkakaunawaan sa kantahan, selos, o labis na pagkalasing.
Noong Pebrero 2024, iniulat ng KAMI.com.ph na isang mister ang sinaksak ang sariling misis matapos umano siyang pagbawalang mag-videoke. Nag-ugat ang insidente sa pagtatalo ng mag-asawa kaugnay ng oras at lakas ng tunog ng videoke, na inirereklamo umano ng mga kapitbahay. Sa halip na tumigil, nauwi ang lalaki sa pananaksak ng kanyang asawa, na agad namang naisugod sa ospital. Kasalukuyang nahaharap ang mister sa kasong frustrated parricide.
Isang lalaki naman ang nasawi sa Iloilo matapos mauwi sa barilan ang kantahan sa loob ng videokehan. Ayon sa mga saksi, nagsimula umano ang tensyon sa palitan ng maaanghang na salita habang kumakanta ang isa sa mga customer. Di nagtagal, bumunot ng baril ang isa sa mga sangkot sa alitan at pinaputukan ang biktima, na idineklarang dead on arrival sa ospital. Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh