Isda sa Taal Lake, ligtas pa rin ayon sa BFAR kahit may umano’y bangkay na itinapon doon
- Nilinaw ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isdang nahuhuli sa Taal Lake sa kabila ng kumakalat na isyu na doon umano itinapon ang mga bangkay ng nawawalang sabungero
- Ayon sa ahensya, ang mga isda sa lawa gaya ng tawilis ay hindi kumakain ng laman kundi ng plant-based planktons kaya walang dapat ipangamba ang publiko
- Kumalat kamakailan ang balitang ang mga bangkay ng nawawalang sabungero at ilang landlords ay itinali sa sandbag at itinapon sa Taal Lake ayon sa isang whistleblower
- Samantala, nakahanda na umano ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa posibleng pagsisid kung maglabas na ng kautusan ang DOJ para sa retrieval operation
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa kabila ng mga umuugong na ulat tungkol sa diumano’y pagtapon ng mga bangkay ng nawawalang sabungero sa Taal Lake, iginiit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas pa rin kainin ang mga isda mula sa nasabing lawa. Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera, walang dapat ikabahala ang publiko dahil ang mga isda sa Taal, partikular na ang tawilis, ay kumakain lamang ng plant-based planktons.

Source: UGC
“Wala pong dapat ipangamba kasi unang una, itong tawilis, small pelagic fish po siya at ang pagkain niya nga po, ‘yung mga planktons na kabilang na diyan yung mga plant-based planktons, at hindi po sila masabi nating carnivorous,” ani Briguera sa panayam. Nilinaw din ng opisyal na walang ebidensyang nagsasabing naapektuhan ang kaligtasan ng mga isda sa kabila ng kontrobersiyang bumabalot sa lawa.
Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay muling umingay ang kaso ng nawawalang mga sabungero matapos ang rebelasyon ng isang whistleblower. Ayon sa ulat, ilan sa mga bangkay ng mga sabungero at landlords ay diumano’y pinalubog sa Taal Lake gamit ang sandbag para hindi lumutang, bagay na lalong nagpalala sa takot ng mga residente at konsumer. Ngunit giit ng BFAR, dapat pa ring pairalin ang tiwala sa mga eksperto sa kalusugan at kalikasan sa halip na maniwala agad sa mga kumakalat na haka-haka online.
Kasabay nito, nakaalerto na ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy sa posibilidad ng pagsasagawa ng deep-water retrieval operation sa Taal Lake. Naghihintay na lang sila ng go-signal mula sa Department of Justice (DOJ) para opisyal nang sisirin ang lawa at tukuyin kung may katotohanan nga ba ang mga alegasyong may mga bangkay sa ilalim ng tubig.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang kaso ng nawawalang sabungero ay isa sa pinakamatunog na unresolved crimes sa bansa sa mga nakalipas na taon. Sangkot dito ang higit sa sampung indibidwal na misteryosong nawala matapos dumalo sa sabungan sa iba't ibang bahagi ng Luzon. Isa sa mga matinding rebelasyon ay mula sa isang alyas “Totoy” na nagsabing may personal siyang nalalaman sa pagkawala ng mga ito.
Ayon sa isang panayam na inilathala ng Kami.com.ph, lumantad si alyas Totoy at ibinahagi ang kanyang panig matapos umanong makatanggap ng serye ng pagbabanta sa buhay niya at ng kanyang pamilya. Aniya, wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero at handa siyang makipagtulungan kung kinakailangan.
Samantala, iniulat din ng Kami.com.ph na puspusan na ang paghahanda ng PCG para sa isang “deep water retrieval mission” sa Taal Lake. Ang hakbang na ito ay tugon sa lumalakas na panawagan ng mga pamilya ng mga nawawala, at sa mga alegasyong may mga katawan na maaaring naroon sa ilalim ng lawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh