57-anyos na jeepney driver, tumira sa jeep para makapag-ipon para sa pamilya

57-anyos na jeepney driver, tumira sa jeep para makapag-ipon para sa pamilya

  • Isang 57-anyos na jeepney driver ang napilitang tumira sa kanyang jeep sa Quezon City upang makatipid sa gastusin
  • Inilihad niyang sa halip na magbayad ng P4,000 sa buwanang upa, mas pinili niyang gamitin ang pera para sa pagkain at pag-aaral ng kanyang mga anak
  • May apat siyang anak na patuloy na nag-aaral at tanging sa mga espesyal na okasyon lamang sila nagkikita
  • Sa kabila ng init, lamok, at kakulangan sa maayos na tulugan, nananatiling determinado si Tatay Rodolfo na suportahan ang kanyang pamilya

Maraming netizens ang naantig ang damdamin sa kwento ng sakripisyo ni Tatay Rodolfo Gabatino, isang 57-anyos na jeepney driver na kasalukuyang naninirahan sa loob ng kanyang jeep sa Quezon City.

57-anyos na jeepney driver, tumira sa jeep para makapag-ipon para sa pamilya
57-anyos na jeepney driver, tumira sa jeep para makapag-ipon para sa pamilya (đź“·Santi San Juan/MB)
Source: Facebook

Sa halip na magrenta ng bedspace na nagkakahalaga ng P4,000 kada buwan, mas pinili ni Tatay Rodolfo na manatili sa kanyang sasakyan upang mas mapalawak pa ang kanyang natitipid para sa mas mahahalagang bagay—tulad ng pagkain at gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Tubong Nueva Ecija si Tatay Rodolfo, ngunit lumuwas siya ng Maynila upang maghanapbuhay. Araw-araw niyang binabaybay ang kalsada sa kanyang jeep sa kabila ng pagod at hirap, alang-alang sa kanyang apat na anak na kasalukuyang nag-aaral. Ayon sa kanya, tanging sa mga espesyal na okasyon lamang siya nakakauwi sa kanilang probinsya para makasama ang pamilya.

“I’m doing everything I can to save money. I now live in my jeepney rather than pay P4,000 for a bedspace,” ani Gabatino habang nagluluto ng pagkain sa tabi ng kanyang jeep.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kanyang kita sa pamamasada ay sapat lamang upang mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan. Ngunit sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel bunsod ng kaguluhan sa Middle East, mas lalo pa siyang nangangamba sa hinaharap ng kanilang kabuhayan. “I have four children who are still in school. We rarely see each other now—only during special occasions,” dagdag pa ni Tatay Rodolfo.

Bagama’t hindi komportable ang paninirahan sa loob ng jeep, tinitiis niya ito para lamang makapaglaan ng mas malaking bahagi ng kita para sa kanyang pamilya. Ang ganitong sakripisyo ay hindi biro—kakulangan sa maayos na tulugan, init ng panahon, lamok sa gabi—lahat ay kanyang pinagtitiisan. Ngunit para kay Tatay Rodolfo, mas mahalaga ang kinabukasan ng kanyang mga anak kaysa sa sariling ginhawa.

Sa kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya sa Pilipinas, maraming Pilipino ang napipilitang magsakripisyo para lamang makatawid sa araw-araw. Mula sa mataas na presyo ng bilihin, pagtaas ng pamasahe, at kawalan ng sapat na kita, lumalala ang kondisyon ng mga manggagawang tulad ni Tatay Rodolfo. Isa lamang siya sa maraming jeepney drivers na tahimik na lumalaban sa gitna ng kahirapan upang may maibigay sa kanilang pamilya.

Isang 58-anyos na lola ang inaresto matapos umanong magnakaw ng apat na pakete ng gatas sa isang grocery store. Ayon sa mga ulat, ginawa niya ito dahil sa matinding kahirapan at kagustuhang may maipakain sa kanyang mga apo. Maraming netizens ang nagpahayag ng simpatya sa matanda at nanawagan para sa mas makataong solusyon sa mga kasong ganito.

Isang 16-anyos na dalagita ang inaresto matapos magnakaw ng baby stroller sa isang mall sa Maynila. Ayon sa kanyang pahayag, ginawa niya ito para umano sa kanyang anak. Maraming netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon—mula sa pag-unawa sa kanyang sitwasyon hanggang sa pagtuligsa sa naging desisyon niyang magnakaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate