Lola mula Tondo, nabiktima umano ng hipnotismo at natangayan ng P40,000
- Isang senior citizen sa Tondo ang nabiktima umano ng hipnotismo at pagnanakaw
- Kinuwento ng kamag-anak na napasunod ang biktima ng mga di-kilalang salarin
- Ninakawan siya ng P40,000 at sinaktan pa sa loob ng sasakyan
- Iniimbestigahan na ng mga pulis habang pinaalalahanan ang publiko sa ganitong modus
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang araw ng simpleng pamamalengke sa Tondo, Manila ang nauwi sa bangungot para sa isang matandang babae na umano’y nabiktima ng hipnotismo at marahas na pagnanakaw. Sa salaysay ng kanyang pamilya, hindi na umano naging aware ang lola sa paligid nang siya ay kausapin ng dalawang estranghero—isang lalaki at isang babae—at mapilitang sumama sa kanila.

Source: Original
“Parang na-hypnotize naman ang kamaganak ko, sumama siya,” kwento ng isang kamag-anak ng biktima.
Habang pauwi mula sa palengke noong June 15, 2025, nilapitan ang biktima ng mga hindi kilalang tao at inakay papunta sa isang nakaparadang sasakyan. Sa loob ng kotse, naroon pa ang dalawang kasabwat—isang lalaking driver at isa pang babae—na diumano'y agad nagsabi ng kanilang masamang balak.
“Parang yung biyenan ko na-corner na… Nung di pa umaandar yung kotse, sinabi na nga na ‘Wag kang papalag’. Ninerbyos na yung biyenan ko, nagkakawag na siya… Tapos ayaw niya… Dahil pumapalag si nanay, sinampal siya nung babae. Sapak daw eh dahil may pasa yung biyenan ko sa mukha,” dagdag pa ng kamag-anak.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tinangay ng mga suspek ang P40,000 cash na dala ng biktima, pati ang kanyang alahas. Hindi pa doon nagtapos ang kalupitan—sinaktan siya, tinakpan ang mga mata, at dinala sa ibang lugar bago siya ibinaba sa Divisoria. Bago tumakas, ibinalik ng mga suspek ang kanyang mga ID at binigyan pa ng kaunting pera pamasahe.
Nang makauwi, agad ikinuwento ng biktima sa kanyang pamilya ang nangyari. Ang kanyang mga apo ay nagtungo sa barangay upang magsumbong at humingi ng CCTV footage. Sa napanood na video, malinaw na may mga sumusunod sa matanda—isang lalaki at babae na pinaniniwalaang mga suspek.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, parehong nakasuot ng cap at face mask ang mga salarin kaya't mahirap silang makilala. Nagbabala naman ang mga awtoridad na dumarami na ang ganitong modus lalo na sa matataong lugar gaya ng mga palengke. Muling paalala ng mga otoridad, iwasan ang pagdadala ng malaking halaga ng pera o pagsusuot ng mamahaling gamit sa pampublikong lugar.
Ang hipnotismo ay matagal nang sinasabing ginagamit sa ilang krimen sa bansa. Bagama’t hindi pa rin lubos na napapatunayan sa siyensya kung paano ito aktwal na ginagawa sa ganitong mga sitwasyon, maraming ulat na mula sa mga biktima ang nagsasabing tila nawalan sila ng kontrol sa sarili at hindi nila maalala ang ilan sa mga nangyari. Madalas, ang mga biktima ay matatanda o madaling maimpluwensyahan sa pamamagitan ng salita o paghawak. Ayon sa mga eksperto, dapat laging alerto sa paligid at huwag agad magtiwala sa mga estranghero.
Isang lalaki ang nabiktima ng scam matapos pagkatiwalaan ang isang babaeng nakilala online na nagpakilalang nagtatrabaho sa Customs. P5.5 milyon ang ibinayad umano nito para sa isang luxury car na hindi pala totoo. Isa na namang paalala ito kung gaano katalino at kapani-paniwala ang ilang scammer sa panlilinlang ng kapwa.
Lubhang nakakadurog ng puso ang kwento ng isang delivery rider na ninakawan ng perang nakalaan sana para sa ospital ng kanyang maysakit na anak. Sa kasamaang-palad, hindi na naabutan ng buhay ang kanyang baby. Patunay itong ang ganitong uri ng krimen ay hindi lamang material ang naaapektuhan kundi buhay din.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh