Babaeng lumabas sa butas ng drainage, mayroon pa umanong mga kasama
- Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang kuha sa isang babaeng bigla na lamang umanong lumabas sa isang drainage
- Sinasabing ang drainage na ito ay matatagpuan sa Barangay San Lorenzo Makati City
- Base sa imbestigasyon, nalaman na rin nila ang umano'y dahilan bakit sumulpot ang babae mula sa butas ng drainage
- Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung may ilan pang mga kasama ng babae o mayroon pang ibang grupo na gumagawa nito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang isang viral na insidente kung saan hindi lamang pala isa kundi tatlong indibidwal umano ang gumamit ng drainage canal sa Makati City bilang pansamantalang tirahan.

Source: Facebook
Noong Martes, kumalat sa social media ang isang video at mga larawan na nagpapakita ng isang taong lumalabas mula sa isang maliit na butas ng kanal sa kanto ng V.A. Rufino at Adelantado Streets sa Barangay San Lorenzo.
Ngunit ayon sa pulisya, hindi lang iisang tao ang sangkot. Tatlong katao umano ang pinaniniwalaang pansamantalang nagtago o naninirahan sa loob ng drainage system.
Batay sa CCTV footage mula sa lugar, bandang alas-4 ng hapon noong Lunes, makikitang tatlong indibidwal ang pumasok sunod-sunod sa nasabing kanal. Sa loob lamang ng wala pang isang minuto, matagumpay na nakapasok ang tatlo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Base po sa initial na investigation, sila po ay mga street dwellers sa Barangay Pio Del Pilar. Pansamantala po ay nag-seek sila ng temporary shelter po or refuge doon sa area,” pahayag ni Police Capt. Jenibeth Artista, tagapagsalita ng Makati Police mula sa ulat ng ABS-CBN News.
Dagdag pa ni Capt. Artista, sa panayam naman sa kanya ng programang Julius and Tin ng One PH, sinabing mukhang maliliit ang pangangatawan ng tatlo kaya nagkasya sila sa makitid na butas ng kanal.
Tinitingnan din ng mga imbestigador ang posibilidad na may kaugnayan sa kriminalidad ang paggamit ng kanal, lalo na’t nakakita ng iba’t ibang kagamitan sa loob gaya ng screwdriver, pliers, wrench, at iba pang metal na bagay.
Napag-alaman din sa mas malalim na pagsisiyasat na ang kanal ay konektado sa isang creek sa malapit, at maaaring naka-ugnay din ito sa isa pang drainage system sa Amorsolo Street—na posibleng ginagamit din na daanan ng mga indibidwal.
Nitong Miyerkules, namataan din sa lugar ang mga opisyal mula sa Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), isang inisyatibo na tumutulong sa mga taong walang tirahan.
Ayon sa DSWD, kasalukuyan na nilang tinutunton ang mga indibidwal na sangkot sa viral na video upang mabigyan ng tulong at suporta.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong saklaw ng insidente at kung paano pa maaaring matulungan ang mga taong sangkot dito.
Usap-usapan ngayon sa social media ang viral na Facebook post ng isang babaeng netizen tungkol sa dati nilang principal na ngayon ay namumulot ng karton sa kalsada upang kahit papaano ay kumita. Ayon sa FB user na si Clarisse, labis siyang naantig nang muli niyang makita ang kanilang dating principal na si Elvira F. Barcelo, na minsang namuno sa paaralan nila noong siya ay nasa elementarya pa lamang.
Hindi raw niya inasahan na sa ganitong kalagayan niya muling makikita ang kanilang retired principal. Aniya, kasalukuyang naninirahan si Dr. Barcelo sa Brgy. San Juan, Morong, Rizal. Hindi man daw nanghihingi ang kanilang dating punungguro na patuloy na lumalaban ng patas sa buhay, si Clarisse na mismo ang nanawagan para sa mga may puso na nais pagmalasakitan sa anumang paraan si Dr. Barcelo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh