15-anyos, nasawi matapos masagasaan ng dump truck na minamaneho ng sariling ama
- Nasawi ang isang 15-anyos na binatilyo matapos na masagsasaan ng dump truck
- Ang masaklap pa sa nangyari, sarili niyang ama ang nagmamaneho nito
- Ayon sa ama, tila nakaramdam umano siya ng lubak nang mangyari ang insidente
- Isa sa masusing ini-imbestigahan ay kung bakit naroon ang anak sa demolition site
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi matapos masagasaan ng dump truck na minamaneho ng sariling ama sa loob ng demolisyon site ng lumang gusali ng Pasig City Hall noong Huwebes, Mayo 22.

Source: Youtube
Idineklara ang pagkamatay ng biktima sa mismong pinangyarihan ng insidente bandang alas-dos diyes ng hapon ni Dr. Bernard John San Marcos ng Pasig Emergency Unit.
Batay sa paunang ulat ng pulisya, naganap ang aksidente bandang alas-1:45 ng hapon habang minamaneho ng ama ang isang itim na dump truck at nakaramdam siya ng parang lubak sa likurang bahagi ng sasakyan.
Sa kanyang pag-inspeksyon, nadiskubre niyang ang sarili niyang anak ang nasa ilalim ng truck, duguan at wala nang buhay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa ulat ng Daily Tribune, natutulog umano ang bata sa ilalim ng truck, natatakpan ng canvas, kaya’t hindi ito namalayan ng ama nang paandarin ang sasakyan.
Agad humingi ng tulong ang ama sa mga kasamahan sa trabaho na agad namang tumawag sa mga awtoridad. Rumesponde ang mga tauhan ng Pasig City Police Station na sina PCpl Danga at Pat Sasotana, kasama ang mga emergency responders.
Inaresto si Richard Balangui, ama ng biktima, at ipinaalam sa kaniya ang uri ng kasong kinahaharap gayundin ang kaniyang mga karapatang konstitusyonal. Kasalukuyan siyang iniimbestigahan ng pulisya.
Inaalam na rin ng mga awtoridad kung paano napunta ang isang menor de edad sa isang aktibong demolition site. Ayon sa imbestigasyon, ang biktima, isang Grade 5 student na residente ng Barangay Pinagbuhatan, ay umano’y tumutulong sa pagkakarga ng mga debris kasama ang kaniyang ama. Tinutukoy na rin ng mga imbestigador ang posibleng paglabag sa batas laban sa child labor, regulasyon sa kaligtasan sa trabaho, at kapabayaan ng contractor sa lugar.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamahalaang lungsod ng Pasig sa pamilya ng biktima at sinabing agad silang nagpadala ng emergency personnel sa lugar ng insidente
Isa rin sa kagimbal-gimbal na pangyayari kamakailan ay ang pagragasa ng isang SUV sa NAIA terminal 1 noong Mayo 4. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba't ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital ang ina at lola nito na nahagip din 'di umano ng nasabing sasakyan.
Sa panayam ni Dennis Datu ng TV Patrol sa kaanak ng biktima, sinabi nitong tatlong linggo lamang nakasama ng ama ang nasawing anak. Ito ay dahil sa wala pa umano itong muwang nang unang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya naman ganoon na lamang ang hiyaw sa paghihinagpis ni Danmark, ama ng biktima, sa pagsasabing "anak ko yun, anak ko 'yan" nang maganap ang malagim na trahedya sa NAIA.
Puno ng emosyon ang OFW na si Danmark Masongsong na humarap sa media kaugnay sa pagkamatay ng anak niyang si Malia. NAIA terminal 1 noong Mayo 4. Isa sa mga naikwento ni Danmark ay ang hiling ng anak na maihatid niya ito sa paaralan. Napapansin na umano ng kaklase ni Malia na tila hindi nila nakikita ang ama nito.
"Ang sabi niya sa akin, 'Daddy, ikaw na maghahatid sa school sa akin', kasi 'di ko pa nahahatid sa school 'yan kasi lagi ako nasa ibang bansa. Kaya gusto niya maranasan din ‘yun kasi mga classmate niya laging nandun ang daddy nila," naluluhang naibahagi ni Danmark.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh