Ser Geybin, humingi ng tawad matapos mabatikos sa kontrobersyal na “slide” video

Ser Geybin, humingi ng tawad matapos mabatikos sa kontrobersyal na “slide” video

-Humingi ng paumanhin si Ser Geybin matapos batikusin ang kanyang kontrobersyal na content

-Ayon sa kanya, biglaan niya itong inupload at hindi agad naisip ang magiging epekto

-Inako niya ang pagkakamali at sinabing hindi na ito mauuliteo bago ito mabura

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inako niya ang pagkakamali at sinabing hindi na ito mauulit

Viral ang naging kontrobersiya ng content creator na si Ser Geybin o Gavin Capinpin matapos lumabas ang isang video na ikinagalit ng maraming netizens. Sa nasabing video na pinamagatang “Slide,” makikitang pinaupo at pinaslide nila ang isang bata sa isang upuan, na ayon sa netizens ay hindi naaangkop para sa isang bata. Hindi nakaligtas si Ser Geybin sa matinding batikos mula sa publiko at pati na rin sa sikat na vlogger na si Makagago WM, na tinawag ang insidente sa kanyang vlog sa YouTube.

Ser Geybin, humingi ng tawad matapos mabatikos sa kontrobersyal na “slide” video
Ser Geybin, humingi ng tawad matapos mabatikos sa kontrobersyal na “slide” video (📷Ser Geybin/Facebook)
Source: Facebook

Sa kabila ng negatibong reaksyon, naglabas ng public apology si Ser Geybin sa pamamagitan ng isang Facebook post. Aniya, “Gusto ko lang po mag-sorry sa video reels na pinost ko po nung mga nakakaaraang araw na ang title po ay ‘Slide.’ Aminado po akong biglaan ko po yun inupload sa mga oras na iyon at hindi ko po agad naisip ang kamalian ko.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, malaking aral ito sa kanya bilang content creator at nangangakong hindi na ito mauulit. Pinuri naman ng ilang netizens ang kanyang pag-ako ng responsibilidad at ang pagiging bukas sa pagtanggap ng puna at pangaral. “Maraming salamat po sa lahat ng pagtatama at pangaral n’yo po sa akin… muli po, patawad po at hindi na po mauulit,” dagdag pa niya sa kanyang post.

Si Gavin Capinpin, mas kilala online bilang Ser Geybin, ay isang kilalang content creator at vlogger na naging paborito ng netizens dahil sa kanyang natural na humor at bonding moments kasama ang kanyang pamilya. Isa siya sa mga Capinpin Brothers, na sumikat sa social media dahil sa kanilang wholesome content at relatable family dynamics. Kilala rin siya sa pagiging masayahin at emosyonal sa mga tagpo na may kinalaman sa pamilya.

Isa sa mga pinakatumatak na sandali sa vlogging journey ni Ser Geybin ay ang pagkikita nila ni Cong TV. Sa isang video, naiyak si Ser Geybin sa tuwa at emosyon nang sa wakas ay makaharap niya ang kanyang iniidolo sa industriya. Marami ang natuwa sa tagpo, na nagpakita ng kanyang pagiging totoo at mapagpakumbaba sa kabila ng lumalaking kasikatan.

Dominic Roque, tumulong sa Capinpin brothers para suyuin ang kanilang ina na nakatampuhan nila ∣ Sa isa pang emosyonal na tagpo, tumulong ang aktor na si Dominic Roque sa Capinpin brothers, kabilang si Ser Geybin, upang mapalapit muli sa kanilang ina matapos magkaroon ng tampuhan. Ang pagsasama-sama ng pamilya at pagsuyo ng mga anak ay naging inspirasyon sa maraming tagapanood, at muling pinatunayang malapit talaga sa puso ng mga Capinpin ang kanilang pamilya.

Sa kabila ng kontrobersya, ipinakita ni Ser Geybin ang kahalagahan ng accountability at pagkatuto bilang isang content creator. Isang paalala rin ito sa mga online personalities na ang bawat post ay may kaakibat na responsibilidad—lalo na kapag may sangkot na bata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate