Viral na fashionista mommy, nakatanggap ng maaraming biyaya matapos ma-bash

Viral na fashionista mommy, nakatanggap ng maaraming biyaya matapos ma-bash

- Nakipag-ugnayan si Bernadeth Cutas kay Jojo Bragais noong Miyerkules Santo matapos siya nitong ipahanap

- Napansin ni Bragais ang viral video ni Cutas sa graduation ng anak niya at nagpahayag ng interes na makatrabaho ito

- Posibleng magkaroon ng high fashion shoot si Cutas sa tulong ni Bragais

- Dumami ang followers ni Cutas sa Facebook matapos ang kontrobersiyal niyang OOTD

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi naging hadlang ang kontrobersiya sa social media upang makilala at mapansin si Bernadeth Flores Cutas, ang tinaguriang "fashionista mom" na naging viral matapos dumalo sa graduation ceremony ng kanyang anak na babae suot ang isang white gown.

Viral na fashionista mommy, nakatanggap ng maaraming biyaya matapos ma-bash
Viral na fashionista mommy, nakatanggap ng maaraming biyaya matapos ma-bash (📷Bernadette Flores Cutas/Facebook)
Source: Facebook

Sa kabila ng kaliwa't kanang batikos na tinanggap niya mula sa mga netizens, isang kilalang personalidad sa larangan ng fashion ang tumayo upang kilalanin ang kanyang lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili.

Nitong Miyerkules Santo, Abril 16, 2025, ay mismong si Cutas ang nakipag-ugnayan kay international shoe designer Jojo Bragais matapos nitong mag-post sa kanyang Facebook page at manawagan na matagpuan ang viral mom. Ayon kay Bragais, “Mukhang magandang gawan ng high fashion shoot to sya! Help me find her,” sabay gamit ng hashtag na "#verymowdel". Mabilis namang kumilos ang mga tagahanga ni Cutas at agad naiparating sa kanya ang mensahe ng designer.

Read also

Vilma Santos, nagpahayag ng malungkot na mensahe sa pagpanaw ni Nora Aunor: "Rest in peace, Mare"

Marami ang humanga sa ginawa ni Bragais na kilalanin ang ganda at tapang ng isang karaniwang ina na hindi natakot ipakita ang kanyang estilo at personalidad sa publiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng pambabatikos, ipinagmalaki ni Cutas ang kanyang kasuotan bilang simbolo ng kanyang pagiging malaya at may sariling paninindigan. Ani ng mga nakakakilala sa kanya, normal na umano sa kanya ang magsuot ng mga seksing damit at hindi na ikinagulat ng kanyang mga kaibigan at pamilya ang kanyang OOTD noong araw ng pagtatapos ng anak.

Nagbigay pasasalamat si Cutas sa mga taong nagpakita ng suporta, ngunit hindi rin niya kinalimutan ang kanyang mga bashers. Ayon sa kanya, sila rin ang naging daan upang mapansin siya ng mas maraming tao at umabot sa mas malawak na audience. Habang isinusulat ang balitang ito, lumobo na sa 341,000 ang kanyang followers sa Facebook.

Si Bernadeth Flores Cutas ay isang ina na naging instant internet sensation matapos mag-viral ang kanyang video habang dumadalo sa graduation ceremony ng kanyang anak. Kilala siya ngayon sa social media bilang “Fashionista Mom” dahil sa kanyang napiling outfit — isang puting gown.

Read also

Sharlene San Pedro, nagsalita matapos ang viral video sa ABS-CBN Ball 2025

Ngunit sa kabila ng mga puna, ipinakita niya ang paninindigan ng isang babaeng may kumpiyansa sa sarili at hindi natitinag ng negatibong opinyon. Sa kasalukuyan, tinatangkilik siya ng libo-libong netizens na humahanga sa kanyang pagiging totoo sa sarili at maraming mga personalidad ang nais siyang suportahan.

Samantala, isang ama sa Koronadal City ang nag-viral matapos niyang dalhin ang standee ng kanyang anak na si Mark Sanchez sa graduation ceremony. Si Mark, isang BA English student sa Marvelous College of Technology Inc., ay pumanaw dahil sa cardiac arrest bago ang araw ng kanyang pagtatapos. Sa kabila ng pagkawala, tinanggap ng ama ang diploma ng anak habang hawak ang standee nito, na umantig sa puso ng maraming netizens.

Nag-viral ang karanasan ni John Marcelino Rosaldo ng Lorma Colleges sa La Union matapos siyang hindi payagang umakyat ng entablado upang tanggapin ang kanyang diploma. Ayon sa kanyang kapatid na si Celene Rosaldo, kahit na nabayaran ang graduation fee isang araw bago ang seremonya, hindi ito agad naaprubahan, dahilan upang hindi siya makasama sa pag-akyat ng entablado. Ang insidente ay nagdulot ng diskusyon online tungkol sa mga patakaran sa mga graduation ceremonies.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate