43 katao, sugatan matapos atakihin ng mga putyukan sa Energy Park ng Tagum City

43 katao, sugatan matapos atakihin ng mga putyukan sa Energy Park ng Tagum City

- Apatnapu’t tatlong katao ang isinugod sa ospital matapos lusubin ng mga putyukan sa isang parke sa Davao del Norte

- Ayon sa City Information Office, karamihan ay nakalabas na ng ospital ngunit apat ang nananatiling nagpapagaling

- Inaalam ng mga awtoridad kung may taong nambato sa pugad ng mga bubuyog na naging sanhi ng insidente

- Nangako ang lokal na pamahalaan na bibigyan ng tulong ang lahat ng mga nasangkot sa insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang hindi inaasahang insidente ang naganap sa Energy Park ng lungsod nitong Abril 10, 2025, matapos lusubin ng mga nagngangalit na putyukan ang mga tao sa lugar, dahilan upang isugod sa ospital ang mahigit 40 katao.

43 katao, sugatan matapos atakihin ng mga putyukan sa Energy Park ng Tagum City
43 katao, sugatan matapos atakihin ng mga putyukan sa Energy Park ng Tagum City (📷Pexels)
Source: Instagram

Ayon kay Sheryl Cayao, nawalan ng malay ang kanyang pamangkin matapos itong maturok ng bubuyog, habang ang kanyang anak ay nawalan din ng malay pagdating sa ospital.

“Ang among target gyud karon is to conduct a monthly monitoring and spotting sa mga colonies especially sa mga park kay risky man to nga place especially kung matandog kung naa poy strong wind mabali ang sanga mahulog ang colony so delikado gyud,” ani Engr. Harold Dawa, ang hepe ng City Agriculture Office, na siyang nanguna sa fogging operation matapos ang insidente.

Read also

Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad

Sa ulat ng City Information Officer na si Don Sy, sinabi niyang 39 na katao ang nakalabas na ng ospital bandang ala-una ng hapon, habang apat pa ang kasalukuyang nagpapagaling.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa paunang imbestigasyon, may posibilidad na may taong nambato sa pugad ng putyukan, dahilan upang sila ay magulantang at umatake sa mga tao sa paligid.

Ipinaliwanag ni Engr. Dawa na ang uri ng bubuyog na tinatawag na apis dorsata o putyukan ay malalaki ang katawan at natural na protektibo sa kanilang kolonya. “Kanang apis dorsata mao nay gitawag nga putyukan this bee dagko ni siyag size ang behavior ani protective kaayo sa iyang colony once matandog ang iyang colony mo-atake gyud ni siya kay aggressive ni siya,” dagdag pa ni Dawa.

Naglabas din ng pahayag si Dr. Arnel Florendo ng City Health Office ukol sa epekto ng kagat ng bubuyog sa katawan ng tao.

Nagbigay din si Dr. Florendo ng paalala sa mga maaapektuhan ng kagat ng bubuyog: hugasan agad ang namagang bahagi ng katawan at lagyan ng malamig na pomento. “Kung naa pa ang stinger gina advise namo nga i-scrape off dili gamitan og tweezers kay the more na ma pinch na nimo the more manggawas ang venom nga nabilin,” dagdag niya.

Read also

Mga taga-Minglanilla, Cebu, nabahala sa martsa ng mga nakaitim na Foreigners

Sa panahon ng social media at instant news sharing, mabilis na kumakalat ang mga balita, lalo na ang mga insidente ng aksidente at trahedya. Sa pamamagitan ng Facebook, TikTok, X (dating Twitter), at YouTube, nagiging instant alert system ang publiko. Ang mga netizens ay hindi na lamang tagasubaybay kundi mga aktibong kalahok sa pagbabahagi ng impormasyon. Dahil dito, lumalawak ang abot ng mga lokal na balita at agad itong napapansin ng mga kinauukulan.

Sa ibang balita, 4 na sakay ng motorsiklo ang patay matapos salpukin ng SUV sa Nueva Ecija.

Isang lalaki namang naputulan ng paa matapos magulungan ng bus ang nag-viral sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate