Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales, namayapa na sa edad na 85
- Pumanaw na ang tinaguriang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales
- Kinumpirma ito ng kanyang apo na si Janine Gutierrez sa pamamagitan ng isang socmed post
- Matatandaang nakilala rin siya sa mundo ng showbiz bilang si "Mamita"
- Si Pilita ay ina ng aktres na Jackie Lou Blanco at ng aktor na si Ramon Christopher Gutierrez, na ama naman ng kilalang aktres na si Janine Gutierrez
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Namayapa na ang respetadong singer at actress na si Pilita Corrales ngayong Abril 12.

Source: Facebook
Kinumpirma ito ng kanyang apo na si Janine Gutierrez sa pamamagitan ng isang social media post.
"It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, Pilita Corrales"
"Pilita touched the lives of many, not only with her songs but also with her kindness and generosity. She will be remembered for her contributions to the entertainment industry, but most of all for her love of life and family," ang bahagi ng post ni Janine kung saan humingi rin siya ng dasal para sa kanyang Mamita.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa ngayon, wala pa umanong detalyeng naibahagi tungkol sa burol ng singer actress.
Halos pitong dekada ng kasaysayan sa larangan ng musika at aliwan ang iniukit ni Pilita Corrales, na kilala bilang Asia’s Queen of Songs. Sa edad na 85, patuloy pa rin siyang inspirasyon sa maraming Pilipino at maging sa mga bagong henerasyon ng mga artista at tagahanga.
Isinilang noong Agosto 22, 1939, si Pilita Corrales ay isang multitalented na artista—isang mang-aawit, aktres, komedyante, at television host na nagtagumpay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Siya ang kauna-unahang babaeng artist na nagtala ng number one hit sa Australian pop charts noong 1950s sa pamamagitan ng kantang "Come Closer to Me."
Pagbalik niya sa Pilipinas noong dekada ‘60, naging pangunahing bituin siya sa radyo, pelikula, at telebisyon. Isa sa kanyang mga iconic na performance ay ang awitin niyang "Kapantay ay Langit", na sinasabayan niya ng kanyang signature backbend na kinilala sa buong bansa. Nakapagtanghal na rin siya sa piling ng mga world-class performers tulad nina Frank Sinatra, Bob Hope, at maging ang The Beatles.
Noong 1972, ginawaran siya ng Best Singer Award sa Tokyo Music Festival—isang makasaysayang tagumpay para sa isang Pilipino sa isang international na entablado.
Bukod sa kanyang matagumpay na karera, si Pilita ay ina ng aktres na Jackie Lou Blanco at ng aktor na si Ramon Christopher Gutierrez, na ama naman ng kilalang aktres na si Janine Gutierrez. Isang tunay na “showbiz royalty” ang pamilya ng mga Corrales.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh