Mga taga-Minglanilla, Cebu, nabahala sa martsa ng mga nakaitim na Foreigners
- Nabalot ng pangamba ang mga taga-Minglanilla, Cebu dahil sa mga banyagang nakaitim na nagmartsa sa kanilang lugar
- Isang ritwal umano ang isinagawa ng grupo, kabilang na ang pagpatay sa isang ibon, ayon sa mga residente
- Kinilala ng awtoridad ang grupo bilang isang relihiyosong samahan na tinatawag na “Abayonaym”
- Humingi ng paumanhin ang kanilang lider at iginiit na wala silang intensyon na manakot
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naging laman ng mga usapan at social media ang isang grupo ng mga banyagang nakaitim na nagmartsa sa loob ng isang subdivision sa Barangay Tubod, Minglanilla nitong Martes. Sa kabila ng ikinabahalang ritwal na tila isinagawa ng grupo, kinumpirma ng mga awtoridad na isa itong relihiyosong pagtitipon at walang kaugnayan sa anumang kulto.

Source: Facebook
Makikita sa isang viral na video, na unang in-upload ng netizen na si Abai Mon Montesclaros, ang mga banyagang lalaki na naglalakad nang sunud-sunod, habang ang ilan ay may dalang bandera at tambol. Ayon sa ilang residente, nakapanlulumong eksena umano ang nasaksihan nilang pagpatay ng ibon sa gitna ng kanilang aktibidad, na lalong nagpataas ng antas ng takot sa lugar.
Sa ulat ng Minglanilla Police nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Police Major Mark Leanza na muling binisita ng kanilang hanay ang lugar at kinausap ang kinatawan ng grupo, sa tulong ng Philippine Army Military Intelligence Battalion.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Base sa imbestigasyon, kinumpirma na ang pagtitipon ay isang relihiyosong aktibidad. Kinilala ang grupo bilang mga miyembro ng “Abayonaym” o “Those in need of the Father,” na binubuo ng mga mamamayan mula sa Estados Unidos, Netherlands, New Zealand at United Kingdom. Naniniwala ang grupo sa mga turo ng Old Testament at tinatawag ang kanilang sarili bilang mga "Hebrews."
Ayon kay Minglanilla Mayor Rajiv Enad, tinatayang may 60 katao ang grupo, na pawang mga kabataan at malulusog ang pangangatawan.
“We asked the police to conduct a deeper investigation,” ani Enad sa kanyang social media post.
Sa ulat ng ABS-CBN News, Nagbigay ng pahayag ang lider ng grupo na si Derick Curry II at sinabing pansamantala lamang silang nagtitipon sa bundok sa likod ng subdivision dahil sa isinasagawang renovation sa kanilang karaniwang lugar ng pagsamba, isang hotel sa Talisay City.

Read also
3 anyos na batang babae, patay matapos mahulog mula Ika-16 na palapag ng condominium sa Malate
“Our men gather daily to sing and chant Bible verses. We are not a militia. If you look closely, we are wearing sweatpants, shorts, jeans and one of us is carrying a drum and a tambourine. We are not in uniforms. Not one person is dressed the same way,” paliwanag ni Curry.
Dagdag pa niya, kailangan nilang dumaan sa subdivision upang marating ang bundok kung saan nila isinagawa ang aktibidad.
“It was not our intent to alarm or frighten the local residents. We sincerely apologize for any disturbance we may have caused,” aniya.
Nang malaman nilang nabahala ang mga residente, agad umano silang tumigil sa pag-akyat sa bundok at handa rin silang makipagpulong sa lokal na pamahalaan upang magpaliwanag.
Samantala, tiniyak naman ni Police Major Leanza na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa lugar upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Ang Pilipinas ay isang sekular na estado na kinikilala ang kalayaan sa pananampalataya bilang isang pangunahing karapatan ng bawat mamamayan. Ayon sa Artikulo III, Seksyon 5 ng 1987 Konstitusyon, walang batas ang maaaring ipatupad na nagtatatag ng isang relihiyon o nagbabawal sa malayang pagsasagawa nito. Bagamat mayorya ng populasyon ay Katoliko, malaya ang mga Pilipino na pumili at magsagawa ng kanilang paniniwala, kabilang ang mga Muslim, Protestante, at iba pang relihiyosong grupo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh